^

Ogie tinambakan ng show

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2013 - 12:00am

Habang naghihintay simulan ang concert ni Ogie Alcasid na I Write the Songs, pina-plug ang mga show niya sa TV5. Papasok pala siya sa Lokomomo U, sila ni Gelli de Belen at magkasama rin sila sa Tropang Trumpo bago sila lumipat sa GMA Network, Inc.

May teaser na rin ang The Mega and the Songwriter nila ni Sharon Cuneta na airing na sa Sept. 14, 9:00 p.m., na si Bert de Leon ang direktor. May Ask the Songwriter segment si Ogie at I Request segment naman si Sharon.

May teaser na rin ang gagawing teleserye ni Ogie na The Gift na line produced ng Archangel Median at sa direksiyon ni Mike Tuviera. Kasama niya pala rito si Nadine Samonte at ang child actor na si Joshen Bernardo. Sa October ang airing nito.

Mag-aabot ang mga nabanggit na show ni Ogie at ’pag pare-pareho na itong umere, siya ang may pinakamaraming shows sa talent ng TV5.

Renz gagawing kaagaw ni Aljur

May ipapakilala na namang bagong love triangle ang GMA Network at ito’y ang love triangle nina Aljur Abrenica, Kris Bernal, at Renz Fernandez sa Prinsesa ng Masa. Nag-post ng picture si Kris sa Instagram after ng acting workshop nila under Ana Feleo at sinabing sila ang bagong love triangle.

Si Renz ay ang bunsong anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino at kundi kami nagkakamali ay pumirma na ng kontrata sa GMA 7 kasabay ng kuya niyang si Rap Fernandez. Hindi nagtagal ang paghihintay ni Renz dahil may show na kaagad siya sa bagong home network.

Rochelle naisingit ang pagpapaayos ng ilong kahit busy?!

Ang ilong ni Rochelle Pangilinan ang pinagtripan ng press habang ini-interview ito sa presscon ng Anak Ko ’Yan, ang tinatawag na first parent-child reality show at mapapanood sa GMA 7 starting Aug. 26 after With a Smile.

Tingin ng press, mas gumanda ang ilong ni Rochelle kesa dati at feeling ng mga ito, nagpaayos ng ilong ang girlfriend ni Arthur Solinap. Pero walang nagtanong ng diretso sa dancer-actress dahil ide-deny lang nito.

On the other hand, parang hindi nawala sa eksena si Rochelle, tuluy-tuloy ang kanyang trabaho dahil kundi umaarte ay sumasayaw.

Anyway, si Rochelle ang dance coach ng Anak Ko ‘Yan at sa kanya na-assign ng production staff ang pagsusungit sa parent-kid tandem na magiging pasaway.

ALJUR ABRENICA ANA FELEO ANAK KO ARCHANGEL MEDIAN ARTHUR SOLINAP I REQUEST JOSHEN BERNARDO KRIS BERNAL LOKOMOMO U OGIE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with