_ngayon
^

Dapat na ngang alisin: Kapatid, limitado lang!

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2013 - 12:00am

Ayaw nang gamitin ng TV5 ang salitang Ka­patid. Sa TV5 na lang daw nila gustong makilala.

Kung sabagay, ’di tulad ng Kapuso at Kapamilya, limitado ang sakop ng Kapatid. Hindi kasa­ma ang magulang o anak, o kaibigan, kapatid lang talaga.

Buti naman, kasi hindi nga maganda ’yung Kapa­tid. Dapat lang talaga nilang alisin na!

Mga kasama sa movie ni Vilma, magagaling din

Hindi lang si gobernadora ang magaling sa Ekstra. Magagaling din ’yung mga gumanap na ekstra. At hindi lang basta guest sina Marian Rivera, Piolo Pascual, Cherie Gil, at Pilar Pilapil. Talagang kasama sila sa pelikula. Kinuha sila para mapalutang ang role ng mga ekstra, lalo na ni Gov. Vilma Santos. Parang ang guest lamang ay si Ser Chief (Richard Yap) pero sa pinakaunang frame naman siya nakita.

Maganda ang pelikula.

Sa labas nga pala ng sinehan na pinaglalabasan ng Ekstra ay may naghihintay na mga tao na kumukuha ng opinyon ng mga nakapanood ng movie.

Nagtataka ako kung bakit panay ang pag-iwas ng marami na makunan ng pahayag o mahagip kaya ng kamera. Nagtatakip sila ng mukha, gayung tatanungin lamang naman sila. Gusto ba nila ang movie o hindi, at ilang mga paliwanag. ’Yun ba hindi nila kayang gawin? Pero feeling ko, ibang dahilan kung bakit sila nahihiya. Pero bakit nga ba?

Rita magaling magpapansin

Magiging sort of a test para kay Rita de Guzman ’yung role niyang kontrabida sa Mundo Mo’y Akin. At kahit marami nang binibigyan ng pagkakataon na nagkontrabida, iba si Rita dahil kahit magaling magpagalit ng tao, magaling din siyang magnakaw ng eksena.

Obserbahan n’yo siya na kahit walang sinasabi sa isang eksena na kasama siya ay mapapansin at mapapansin siya dahil never siyang pumayag magmukhang tuod. Kahit hindi siya kasama sa eksena at kibitzer lang pero gagawa at gagawa siya ng eksena para lang mapansin. No, she needs not move. Pero maski mukha niya ay napapagalaw niya, pansinin n’yo.

She really has the making of a perfect contravida na gugustuhin n’yong sampal-sampalin pero napalalambot niya ang inyong puso with her voice. She has one of the sweetest voices in the business.

CHERIE GIL EKSTRA LANG MARIAN RIVERA MUNDO MO PERO PILAR PILAPIL PIOLO PASCUAL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with