Kathryn at Daniel dapat handa rin sa paghihiwalay
THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2013 - 12:00am

Kailangang handa na si Kathryn Bernardo kapag kailangan na nilang maghiwalay ni Daniel Padilla. Kung ang mag-asawa nga na pinagbubuklod ng tao at ng Diyos ay naghihiwalay din, sila pa kaya na pinagdidikit lang ng tao?

Bilang artista, darating ang panahon na kailangan nilang makipagtrabaho sa iba. Kung sila nang sila ay pagsasawaan din sila ng tao, kaya ngayon pa lamang paghandaan na nila ang paghihiwalay nila. Okay?                      

Vilma pinaluhod na ni Sharon

Napaka-prangka ni Vilma Santos. Akalain mong umamin na nakagawa rin ng mga flop na movie? At ito ay ang award-winning Sister Stella L.

Sa dami ng tinanggap nitong pa­rangal, tinalo pala ito noon ng Bukas Luluhod ang mga Tala ni Sharon Cuneta. Natatawa pa ang Star For All Seasons kapag naaalala ito.

Magaan din ang pakiramdam niya sa matagal nilang rivalry ni Nora Aunor. Biruin n’yo, umabot pa sila sa indie films? It’s nice to note na friendly na ang rivalry nila at wala na silang dapat pang patunayan at tadhana na ang nagtatapat sa kanila. Hindi na ang mga tao.

Kaya siguro ipagpatuloy na lang nila ang kanilang magandang paglalaban para maging magandang ha­limbawa sa lahat. Tutal magkumare naman talaga sila.

Ogie sinusubukan ang loyalty ng fans

Tinitingnan daw ni Ogie Alcasid ang kanyang paglipat from GMA to TV5 bilang test sa loyalty ng kanyang fans. Sana hindi siya ma-disappoint kapag hindi niya sila nakita sa bakuran ng bagong bahay niya. Paano kung ang mga kasabay ay loyal din sila sa Kapuso Network?

Kaya dapat hayaan na lang niya silang mamili kung saan sila masaya. Hindi naman porke nasa Siete sila ay hindi na niya sila fans. Baka sa concert ay nandun sila pero huwag magtaka si Ogie kung sa mga palabas sa TV ay Kapuso sila.

 

BUKAS LULUHOD DANIEL PADILLA KAPUSO NETWORK KATHRYN BERNARDO KAYA NORA AUNOR OGIE SILA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with