_ngayon
^

Sex video bakit ba ginagawa?

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2013 - 12:00am

Hindi naman itinanggi ni Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar ang sex video nila ng girlfriend na si Neri Naig na kalat na ngayon sa Internet. Ibig sabihin ba ay totoo ang video dahil humingi lamang ito ng paumanhin sa pamilya nila ni Neri sa pagkalat ng kanilang video?

Kung bakit naman kasi bini-video pa ang ganito kapribadong pagkakataon na kapag napunta sa kamay ng iba ay napapahamak kundi man nalalagay sa kahihiyan ang sinumang nasa video? Kaya ka­yong magkakarelasyon, huwag n’yo nang i-video ang mga ginagawa n’yo. Sa inyo na lang ’yun!

Claudine mahirap nang paniwalaan

O may bago na namang pag-uusapan tungkol kay Claudine Barretto. Akalain n’yo, sa tagal ng pamamayapa ng kanyang dating karelasyon na si Rico Yan ay may nabasa pa ako na tineks siya ng namayapang aktor? Ano ba naman ’yan, Claudine, hindi lamang pala ngayon lang ang sinasabi nilang “pagsisinungaling” mo, nung pa palang makaraang mamatay si Rico.

Wala talagang maniniwala sa iyo. Ewan ko ngayon sa bangayan n’yo ni Raymart Santiago. Nagsisinungaling ka pa rin ba o nagsasabi na ng totoo?

Taga-subaybay ni Juday gulat na gulat sa pagkakatsugi sa serye

Manghang-mangha na ang isa naming kaibigan nang mapanood sa TV ang nalalapit na pagwawakas ng Huwag Ka Lang Ma­wawala. Tinututukan pa naman niya ito at kahit sa akin ay sinasabing pinakamaganda sa mga seryeng tumatakbo ngayon.

Sinasabi ko sa kanya na baka dahilan ito sa tinatalo ito ng My Husband’s Lover pero ayaw niyang maniwala. Hindi ito dahilan para wakasan ng maaga sa itinakdang panahon para rito ang serye. Unfair sa mga nanonood nito, sa mga artistang lumalabas dito na talaga namang nag-e-effort para mapagaling ang acting nila. ’Tapos nagtataka pa siya kung bakit nagtatampo sa network si Judy Ann Santos.

Sinisisi ba nito ang ABS-CBN na dahilan sa paglilipat nito ng slot ng Huwag Ka Lang Mawawala kung kaya ngayon ay naapektuhan ito ng palabas ng Siete? Maaring tama siya pero may naniniwala na talagang panggabi ang slot ng serye ni Juday.

Ngayon, tatapusin na ang Huwag Ka Lang Mawawala, wala nang magagawa ang TV fan kung desis­yunan ito ng ganun ng network. Nanghihinayang lang siya dahil naniniwala siyang hindi naman lahat ng TV ay nakatutok sa serye nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

CHITO MIRANDA CLAUDINE CLAUDINE BARRETTO DENNIS TRILLO HUWAG KA LANG MA HUWAG KA LANG MAWAWALA JUDAY JUDY ANN SANTOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with