Bettina Carlos makikikain sa U-Belt

MANILA, Philippines - University Belt o U-Belt ang bansag sa isang distrito sa Manila kung saan kumpul-kumpol ang mga kolehiyo at pamantasan. Sangkaterba siyempre ang mga estudyanteng naririto — mga estudyanteng magagana at malalakas kumain! 

Ngayong Martes, rerebyuhin ng Pop Talk ang tatlong U-Belt restos na patok sa mga estudyanteng parokyano at maging sa mga dayo. 

Pasok sa listahan ng mga kainan ay ang Juana’s Budbod and Coffee sa may Lerma St. na malapit sa FEU, ang Hanayo Korean Restaurant sa P. Noval St. na malapit sa UST, at ang Perico’s sa Concepcion Aquila St. sa may San Beda at CEU. 

Makakasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang food blogger ng www.occasionsofjoy.com na si Joy Mendiola, ang MedTech student mula sa Far Eastern University at isang photography enthusiast na si Louie Carlosen Benoza, at ang celebrity reviewer na nakikipagsabayan sa dibdibang aktingan ngayon sa My Husband’s Lover na si Bettina Carlos. Huhusgahan nila ang tatlong U-belt restos base sa criteria na food, place, at price.

Chibugan at chikahang walang humpay sa Pop Talk: University Belt Food Crawl, ngayong Martes, 10:00 p.m., sa GMA News TV.

Show comments