Dalawang Kapuso nanalo ng tig-isang milyon­­

MANILA, Philippines - Dalawang masusuwerteng viewers na ng GMA 7 ang nabiyayaan ng isang milyong piso sa mas pinalaking Kapuso Milyonaryo Todo Papremyo.

Sina Elma Dulay ng Cavite at Mechelle Andrada ng Davao City ang nabunot sa surprise draw ng nasabing promo ng Kapuso Network.

“Napakalaki ng maidudulot nitong pagbabago sa aking buhay,” masayang sinabi ni Dulay.

At isa lang siya sa madami pang mga Kapuso na nabiyayaan ng mala­la­­king cash prizes. Mayroon nang 24 winners ng tig-P7,000 at 120 winners ng tig-P10,000 sa weekly draws.

Bukod sa weekly cash prizes, to­dong-todo rin ang mga premyong ma­­pa­panalunan sa grand draw. Isang house and lot mula sa Camella, da­lawang brand new JAC Stallion pickups, at dalawang brand new cars mula sa Energen. Mayroon din isang maaaring manalo ng P500,000 cash mula sa Argentina Corned Beef at siyam naman na tig-P1 million mula sa partner brands.

Patuloy lamang na magpadala ng entries hanggang Aug. 11 para sa pagkakataong manalo ng malalaking prizes, tax-free, linggu-linggo!

Para sumali, kolektahin at ipadala ang proof-of-purchase (PoP) ng sumusunod na brands: Globe Prepaid, Argentina Corned Beef, Yakult The Probiotic Drink, Surf, Sunsilk, Creamsilk, Knorr, Energen, at Nescafé Classic. Ilakip ang kinakailangang bilang ng PoP kasama ang isang papel na naglalaman ng inyong pangalan, address, edad, contact number, at lagda. Sa likod ng sobre, isulat ang Kapuso Milyonaryo, ang brand na inilakip at ang lugar ng iyong tirahan. Ipadala o ihulog ang entries sa GMA Network Center, GMA Regional stations, GMA Radio stations, o sa mga Mercury Drugstore nationwide.

Mapapanood ang mga TV plugs ng mechanics ng Kapuso Milyonaryo Todo Papremyo sa GMA at GMA News TV. Bumisita sa www.gmanetwork.com/KapusoMilyonaryo para sa karagdagang detalye.

Show comments