Lea at apl.de.ap acting na acting bilang coach
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2013 - 12:00am

SEEN: Acting na acting sina Lea Salonga at apl.de.ap bilang mga coach ng The Voice of the Philippines. Dapat tularan ng mga OA coach sina Sarah Geronimo at Bamboo na simple at normal pa rin ang mga kilos.

SCENE: Last card ni Rufa Mae Quinto ang Hu­ling Henya.

Hindi na nag-improve ang acting at brand of co­medy ni Rufa Mae.

SEEN: Nahihirapan si Cesar Montano na tanggapin ang katotohanan na nagkaroon si Sunshine Cruz ng lakas ng loob na makipaghiwalay sa kanya.

Ang magkasama sila kahapon, Father’s Day, ng kanyang estranged wife at mga anak ang naging wish ni Cesar.

SCENE: Dinalaw ni Nora Aunor ang shooting ng Kwentong Barbero sa malayong lugar ng Montalban, Rizal bilang suporta sa cast at direktor ng pelikula.

SEEN: Ang pagdalaw ni Rhian Ramos sa taping ng Maghihintay Pa Rin sa Singapore.

May malaking bahagi sa buhay ni Rhian ang Singa­pore.

SCENE: Nag-celebrate si John Estrada ng 41st birthday sa Wils Events Place sa Quezon City noong Sabado. Mga bisita ni John sina Sen. Jinggoy Estrada, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Richard Gomez, Lucy Torres, Ruffa Gutierrez, at John Lloyd Cruz.

CESAR MONTANO JINGGOY ESTRADA JOHN ESTRADA JOHN LLOYD CRUZ KWENTONG BARBERO LEA SALONGA LUCY TORRES MAGHIHINTAY PA RIN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with