Hindi alam kung saan hahanapin, manager masakit na ang ulo: Young actor na nahuhumaling sa young actress ilang araw nang nawawala

PIK: Puspusan na ang paghahanda ng Kapuso stars sa bagong musical variety/game show na Sunday All Stars na magsisimula na ngayong araw.

 Sa bawat team ay may kanya-kanya silang drama na inililihim sa mga kalabang team. Magkakaiba at magkakahiwalay ng venue sila magri-rehearse para hindi nagkakaalaman.

PAK: Totoo kayang ilang araw nang nawawala itong young actor at pino-problema na ng kanyang pamilya at manager dahil sa hindi nila alam kung saan hahanapin?

Hindi na kasi umuuwi sa tahanan niya ang young actor dahil laging nakababad sa babaeng kinahuhumali­ngan niya.

Sumasakit na ang ulo ng mentor/manager niya kasi hindi na ito sumusunod sa kanya dahil sa sobrang pagka-in love.

Ang problema, taga-kabilang istasyon pala ang kinahuhumalingan nito at bukod pa sa karelasyon din ang isa ring young actress na nakakatrabaho niya.

Safe lang ang sagot ni manager sa mga nagtatanong pero sa totoo lang ay problema nila ngayon si young actor.

BOOM: Ayaw ni Cesar Montano magpaka-nega kaya very positive siyang magkakabalikan sila ng asawa niyang si Sunshine Cruz. Itinatanggi nitong ina­ayos na ang annulment dahil hindi nila ito pinag-uusapan.

Madalas siyang dumadalaw sa pamilya niya at wish niya ngayong Father’s Day na makakasama niya sa dinner ang kanyang mga anak, lalo na si Sunshine. Hinihintay na lang niya ang aktres na maging open na sa posibilidad na pag-aayos para magkabalikan sila.

“Right now ang ginagawa ko, I don’t rush things eh. Gusto ko rin makita niya na komportable na siya. Gusto ko sa kanya na rin manggaling na okay na,” pahayag ng actor/director na balik-Kapuso na sa bagong drama series ng GMA Telebabad na Hanggang Ngayon na tatampukan nina Lovi Poe, Rocco Nacino, at Solenn Heussaff.

Show comments