Starlet na si Princess Snell hindi nagtagumpay na gamitin si Vin Diesel!

SEEN : Ang sobrang public display of affection ni  2011 Miss World 1st Princess  Gwendoline Ruais at David Semerad sa park ng Robinsons Magnolia Park sa Aurora Blvd., Quezon City. 

SCENE : Libelous ang ilan sa mga Twitter post ni Sancho Vito laban kay Jed Salang at sa kaibigan nito.

Si Sancho ang panganay na anak ni AiAi delas Alas na galit na galit sa mga diumano’y pagmamaltrato ni Jed sa kanyang ina. 

SEEN : Sunday All Stars ang title ng bagong Sunday noontime show ng GMA 7 na ipapalit sa Party Pilipinas. Sa June 2 ang pilot telecast ng Sunday All Stars.

SCENE : One week lamang si Dr. Vicki Belo sa Amerika dahil bumalik siya ng Pilipinas noong Lunes para sa 33rd birthday ni Hayden Kho, Jr. 

SEEN : First taping day na ng Misibis Bay ng TV5 noong Lunes. Ang mga bida sa Misibis Bay ay sina Ritz Azul, Vin Abrenica, Luke Jickain, at Megan Young.

SCENE : Starlet na starlet ang orientation ni Princess Snell nang magkuwento ito tungkol sa date nila ng Hollywood star na si Vin Diesel.

Hindi nagtagal ang 15-minute fame ni Princess na ginamit si Vin upang mapag-usapan siya.

SEEN : Nawawalan ng saysay ang mga kampanya  ni Department of Health Assistant Secretary Eric Tayag laban sa mga sakit dahil sa kanyang pagsasayaw.

Pinagbibintangan si Asec. Tayag na ginagamit ang kanyang posisyon upang maipakita lamang ang talent niya sa pagsasayaw.

SCENE : Kahapon ang 60th birthday ni Nora Aunor.

Puwede nang mag-apply ng senior citizen card si Nora dahil 60 years old na siya.

 

 

Show comments