Kris matagal nang kasama sa pakikibaka ni Koko

MANILA, Philippines - Suportado ng presidential sister na si Kris Aquino ang kandidatura ng reelectionist na si Sen. Koko Pimentel. Pinuri niya ang prinisipyo at commitment ng senador nang mag-ikot sa Lipa, Batangas. “Noon pa magkasama na ang mga pamilya namin sa pakikibaka. I know that with Sen. Koko in the Senate, we are assured of the best public servant who will fight for our rights,” sabi ni Kris.  Kung matatandaan, na-impress ang dating Presidenteng Cory Aquino nang maging bar topnotcher si Sen. Koko at inirereto pa niya ang bunsong si Kris dito nung single pa sila pareho.

Show comments