^

PSN Showbiz

Pamilya OnGuard magiging katuwang sa kaalaman sa kalusugan!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May katuwang na ang bawat ina sa kalusu­gan ng kanilang pamilya - ang Pamilya OnGuard ng ABS-CBN, ang kauna-unahan at nag-iisang health news advisory na hitik sa makabuluhang impormasyong pangkalusugan.

Sa pangunguna ng DZMM reporter at da­ting UAAP courtside reporter na si Tina Marasigan bilang anchor kasama si Angel Movido bilang reporter, ang Pamilya OnGuard ay nag­ha­han­dog ng mga napapanahong balita at kaalaman sa kalusu­gan at hinihimay ang bawat anggulo nito sa tulong at panananaw ng mga eksperto. Nagbibigay pa ito ng practical tips para mas lalong makaiwas ang buong pamilya sa sakit.

“Ang Pamilya OnGuard ay nagsisilbing tulay ng mga ordinaryong tao, lalo na ng mga ina tungo sa mga eksperto, mga doktor o sa Department of Health mismo, para mabigyan sila ng kaalaman kung paano pa nila mas mapanga­nga­lagaan ang mga mahal nila sa buhay,” ayon kay Tina.

“Layunin ng programa na maipara­ting sa mga tao, lalo na sa mga nanay ng ta­ha­nan kung anu-ano pa ‘yong pwede nilang gawin para mas ma­ging handa sa mga sakit at sakuna,” dagdag naman ni Angel.

Katuwang ng ABS-CBN ang ABS-CBN News Channel (ANC) at DZMM TeleRadyo sa cable at DZMM Radyo Patrol 630 sa radyo sa mas malawak na paghahatid ng impormasyon at para mas ma­raming pamilyang Pilipino ang maging on-guard.

Maging netizens ay magiging updated din dahil mapapanood ang Pamilya OnGuard online sa www.pamilyaonguard.abs-cbnnews.com. Makikita sa website ang kum­pre­hensibong health news updates, safety tips, video compilations at iba pang mahahalagang impormasyon sa kalusugan.

Para naman sa mga on-the-go, maaring pa rin maging on-guard kahit saan basta naka-install ang ABS-CBN news mobile application sa inyong Android at iOS devices kung saan mayroon ng Pamilya OnGuard page.

Tutukan ang Pamilya OnGuard tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes sa ABS-CBN Channel 2 tuwing 5:00 ng hapon, ANC (SkyCable Channel 27) tuwing 4:30 ng hapon at sa DZMM Radyo Patrol 630 at Teleradyo tuwing 5:15 ng hapon. Maging handa at protektado, maging onguard.

ABS

ANG PAMILYA

ANGEL MOVIDO

DEPARTMENT OF HEALTH

NEWS CHANNEL

PAMILYA

RADYO PATROL

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with