Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme mapapanood sa Cinema One

MANILA, Philippines - Makitawa, kilabutan at kiligin sa blockbuster movie na Kimmy Dora and the Temple Of Kiyeme na mapapanood sa top-rating na Blockbuster Sundays ng Cinema One ngayong Linggo (Abril 14), 8:00 p.m.

Pinagbibidahan ng multi-awarded na komedyanteng si Eugene Domingo ang naturang pelikula kung saan magkasabay niyang ginampanan ang dalawang role ng mala-aso’t pusang kambal na sina Kimmy at Dora.

Sa pelikula, mapapadpad ang kambal sa Korea, ang pinagmulan ng kanilang ama at doo’y makikilala nila ang isang matandang magsasabi na kaila­ngang magpakasal ng isa sa kanila sa kahit sinong miyembro ng pamilyang Sang upang tuparin ang pangako ng kanilang angkan. 

Ang Kimmy Dora and the Temple Of Kiyeme ay isa sa highest-grossing films noong 2012 at karugtong ng 2009 surprise hit na Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme na lubos na nagpasikat kay Eugene.

Show comments