Kim at Maja magtutuos na

MANILA, Philippines - Sa pagtuklas at pagbubunyag ni Margaux (Maja Salvador) sa kanyang pamilya tungkol sa lihim ng kanyang tunay pagkatao, paano nga ba aaminin ni Beatrice (Janice de Belen) sa lahat ang pakikipag­sabwatan niya noon kay Oscar (Jayson Gainza) para makuha ang anak niya kay Teresa (Cherrie Pie Picache)?

Ano nga ba ang gagawin nina Tatay Zach (Ronaldo Valdez) at Oscar kapag inilantad na ni Margaux ang kanyang natuklasan mula sa kumadrona na nagpaanak kay Teresa? Paano nga ba babaguhin ng katotohanan ang takbo ng buhay nina Celyn (Kim Chiu), Teresa, Beatrice, at Margaux?

Huwag palampasin ang ‘Gabi ng Pagtutuos’ sa Ina, Kapatid, Anak, ngayong Biyernes (Abril 13), 8:15 PM, pagkatapos ng Juan dela Cruz sa ABS-CBN Primetime Bida.

Show comments