Pagsagip sa batang naipit sa elevator idedetalye

MANILA, Philippines - Susuriin nina Maan Macapagal at Dominic Almelor ang naging pagsagip sa isang batang naipit ang braso sa elevator ng isang mall ngayong Miyerkules (Abril 10) sa Pinoy True Stories: Saklolo.

Naglalaro lang sa isang sulok ng mall ang pitong taong gulang na si Dagul at ang kanyang kapatid at mga pinsan nang biglang naipit ang kaliwang braso niya sa elevator. Maya-maya’y namumutla na si Dagul, halos mawalan na ng malay, dahil sa rami ng dugo na naubos sa kanya.

Dumating ang isang rescuer at pinilit na tanggalin sa pagkakaipit ang kamay ni Dagul. Pero nang hindi niya ito magawa, sinabi niyang kaila­ngan nang putulin ang kamay ng bata ngunit hindi pumayag ang tiyahin nito.

Sumaklolo na ang Road Emergency Group ng Metro Manila Development Authority at unti-unti’y naialis ang braso ni Dagul sa elevator at isi­nugod sa ospital. Makalipas ang isang taon, ma­lubha pa rin ang trauma ni Dagul at natatakot pa ring lumapit sa mga elevator. 

Samantala, uusisain naman ni Karen Davila ang suliranin ng isang mag-asawa na laging binabastos ng isang lasenggo sa kanilang lugar nga­yon (Abril 9) sa Pinoy True Stories: Engkwentro.

Tutukan ang Engkwentro ngayong Martes, Abril 9, at ang Saklolo ngayong Miyerkules, 4:15 p.m., sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Subayba­yan din ang ibang mga bagong Pinoy True Stories hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs, tulad ng Bistado ni Julius Babao tuwing Lunes, Demandahan ni Anthony Ta­ber­a tuwing Huwebes, at Hiwaga ni Atom Araullo tuwing Biyernes.

 

Show comments