^

Jed Madela tatanggap ng achievement at Hall of fame award sa World Championship of performing Arts, ka-level na ng Hollywood stars

(Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isa na namang tagumpay ang nakamit ng Star Magic’s premiere balladeer na si Jed Ma­dela na bibigyan ng parangal ng World Championships of Performing Arts (WCOPA).

Tatanggapin ni Jed ang Achievement at Hall of Fame Award. Taun-taon ay kinikilala ng WCOPA ang mga  natatanging kontribusyon sa lara­ngan ng pagtatanghal  kung saan mapapabilang sa eksklusibong Performing Arts Hall of Fame. Mapapabilang si Jed sa hanay ng mga Hollywood stars na sina Jaclyn Smith, Liza Minelli, Dionne Warwick, at Jennifer Holiday.

Simulang nakilala si Jed noong 2005 nang tanghalin bilang kauna-unahang Pinoy na nagwagi ng Grand Champion Performer of the World ng WCOPA- isang  global event na kilala rin bilang Talent Olympics.

Tatanggapin ni Jed ang nasabing parangal sa ika-19 ng Hulyo, sa live worldwide webcast ng ika-17 na World Championships of Performing Arts sa Hollywood, California.

Samantala, maglo-launch si Jed ng kanyang kauna-unahang double single album mula sa Star Records. Ang carrier singles nito na Ikaw Na at Wish ay mga most requested songs na sa radio.

Mas lalo pang kikinang ang bituin para kay Jed ngayong taon dahil nakatakda ang kanyang 10th Anniversary Concert at magkaroon din siya ng break sa makapasok sa international music scene dahil sa kanyang All Originals  album.

 

ALL ORIGINALS ANNIVERSARY CONCERT DIONNE WARWICK GRAND CHAMPION PERFORMER OF THE WORLD HALL OF FAME AWARD IKAW NA JACLYN SMITH JED WORLD CHAMPIONSHIPS OF PERFORMING ARTS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with