^

PSN Showbiz

Ogie high na high sa OPM Music Festival

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Parang hindi napagod at napuyat si Ogie Alcasid sa concert nila noong Huwebes dahil alive na alive siya kahapon sa presscon ng OPM Means.

In high spirit si Ogie habang ikinukuwento niya ang malaking event ng OPM sa February 22 at 23, ang OPM Music Festival na isasabay sa Hot Air Balloon Festival  sa Clark Freeport, Pampanga.

Tiniyak ni Ogie na masaya ang OPM Music Festival dahil sa 2-day concert na inihanda ng organi­sasyon na kanyang pinamumunuan.

Ang OPM Music Festival ang una sa maraming project ng OPM para sa 2013. Siguradong masusundan pa ang OPM Music Festival, lalo na ngayon na ganadung-ganado ang lahat ng mga miyembro dahil umaangat na uli ang sales ng kanilang mga CD album at concerts.

Nagbunga na ang sipag at tiyaga ni Ogie para sa OPM. Labor of Love ang pagiging pangulo ng OPM dahil walang suweldo na natatanggap si Ogie.

Mitch mukhang hindi tumatanda

Umapir sa OPM Means presscon si Mitch Valdes na hindi nagbabago ang itsura. Nagulat ang mga reporter nang sabihin ni Mitch na 61-years old na siya dahil bagets na bagets pa rin ang kanyang face.

Walang maniniwala na senior citizen na si Mitch na isa sa mga pinakamahusay na singer at character actress ng ating bansa. Siya rin ang kauna-unahang Filipina president ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit.    

Award-winning actress si Mitch na dating Maya Valdez ang screen name dahil Urian awardee lang naman siya noong 1976. Nag-win si Mitch ng best supporting actress para sa role niya sa Lunes, Martes, Miyerkoles...

Look-alike ni Jessica Sanchez nagreklamo

Nakakaloka ang look-alike ni Jessica Sanchez na tumawag pa sa opisina ng PSN para magreklamo na walang permiso niya ang paggamit sa kanyang litrato.

Teka, may pahintulot ba ng tunay na Jessica Sanchez ang panggagaya ng impostora na enjoy na enjoy sa atensiyon na ibinibigay sa kanya ng mga tao?

Ang impostora ang naglagay sa Twitter ng litrato nila ni Jessica. Kung gusto niya na mapanatili ang kanyang privacy at ayaw makita nang iba, tumigil na siya sa paglalagay ng mga litrato niya sa Twitter!

Hindi ko na babanggitin ang name ng impostora dahil baka sumikat pa siya. Pinatulan ko lang ang kanyang drama dahil wala sa lugar ang pagrereklamo niya. Imbes na mag-emote, dapat na magpasalamat siya sa PSN sa free publicity na ibinigay sa kanya!

Madam Auring nangangailangan ng tulong!

Last week, ang karamdaman at kalagayan ng veteran actress na si Bella Flores ang ipinakita sa Startalk.

Ngayong hapon, ang sakit at kundisyon ng manghuhula na si Madame Auring ang featured story sa aming show.

Nagkaroon ng internal bleeding si Madame Auring at humihiling ng financial help ang kanyang pamilya. Naka-confine si Madame Auring sa Quezon City General Hospital dahil sinalinan siya ng dugo.

Maituturing na bahagi ng showbiz si Madame Auring dahil lumabas na siya sa maraming pelikula at nagkaroon ng mga TV guesting sa halos lahat ng TV station. Nagpapasalamat ang  pamilya niya sa mga tao na may mabubuting kalooban na tumulong sa kontrobersiyal na manghuhula.

 

BELLA FLORES

CLARK FREEPORT

DAHIL

JESSICA SANCHEZ

MADAME AURING

MUSIC FESTIVAL

OGIE

OPM

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with