Nora parating aburido at galit sa kanyang role
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2013 - 12:00am

SEEN: Si Melissa Mendez sa Kailangan Ko’y Ikaw at Indio. Si Sharmaine Suarez sa Apoy sa Dagat at Bukod Kang Pinagpala.  Si Gloria Sevilla sa Be Careful With My Heart at Kailangan Ko’y Ikaw. Walang shortage sa mga character actress dahil mara­ming character actress ang naghihintay na mabigyan ng trabaho.

SCENE: Ang admission ng nanay ni Gerald Anderson kay Kris Aquino na may boyfriend siya sa kasalukuyan. Hiwalay na ang nanay ni Gerald sa kanyang American husband.

SEEN:  Ang mga hinala na si Cesar Montano ang pinatatamaan ni Sunshine Cruz sa tweet nito na “Too much blah blah suddenly. Ikaw Na!”

SCENE: Hindi napilit si Kris Aquino ng mga reporter na sabihin ang pangalan ng mystery guy na inspirasyon niya ngayon. Ipapakilala muna raw niya ito sa kanyang anak na si Bimby.

SEEN:  Makapagpatayo ng bahay para sa kanyang sarili at da­lawang anak ang pangarap ni Kris Aquino kaya humingi siya ng advice sa kanyang Pilipinas Got Talent co-host na si Freddie Garcia.

SCENE: Ang maling spelling ng family name ng director na si Mac Alejandre sa false cover ng Never Say Goodbye na lumabas noong Lunes. Alejandro ang spelling ng pangalan ng direktor ng Never Say Goodbye na nagsimulang mapanood sa TV5 noong Lunes.
SEEN: Naninibago ang fans ni Nora Aunor sa kanyang aburido at palaging galit na role sa Never Say Goodbye. Madalas na tinatalakan at sinasaktan ni Nora sa mga eksena ang Artista Academy winner na si Sophie Albert.

SCENE: Ang pagtatagpo kahapon sa Umagang Kay Ganda ni Jessica Sanchez at ng kanyang look-alike, ang radio jock na si Jamie Rubio. Malaki ang pagkakahawig nina Jessica at Jamie.

ARTISTA ACADEMY BE CAREFUL WITH MY HEART BUKOD KANG PINAGPALA CESAR MONTANO FREDDIE GARCIA GERALD ANDERSON KAILANGAN KO KRIS AQUINO NEVER SAY GOODBYE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with