Kambal, uso sa serye ng Kapamilya; Jessica Sanchez pinagsawaan ng mga Pinoy; Cesar inamin na ang problema nila ni Sunshine

SEEN: Hinangaan si Cesar Montano ng mga reporter nang aminin niya sa presscon ng Alfredo S. Lim, the Untold Story na may problema sila ni Sunshine Cruz.

SCENE: Wala sa presscon ng Alfredo S. Lim, the Untold Story si Krista Miller, ang aspiring actress na pinagseselosan ni Sunshine. Introducing si Krista sa Alfredo S. Lim, the Untold Story.

SEEN: Lipas na ang interes ng mga Pilipino kay Jessica Sanchez. Walang ingay ang Valentine concert ni Jessica Sanchez sa Smart-Araneta Coliseum.

SCENE: Sa April 14 ang coronation night ng 2013 Bb. Pilipinas sa Smart-Araneta Coliseum. Ang ABS-CBN ang media partner ng 2013 Bb. Pilipinas.

SEEN: Ngayon ang showing sa nationwide cinemas ng A Moment in Time, ang pelikula nina Coco Martin at Julia Montes.

SCENE: Kambal na nagkahiwalay sina Maja Salvador at Kim Chiu sa Ina, Kapatid, Anak. Kakambal ni Angelica Panganiban ang sarili sa Apoy sa Dagat at nagkahiwalay rin sila ng kanyang twin sister.

SEEN: Sina House Representative Lucy Torres at Richard Gomez sa proclamation rally kahapon ng mga kandidato ng Liberal Party.

SCENE: Nagbago ang mukha ni Kris Aquino nang banggitin at ituro ni Melai Cantiveros ang autograph ni James Yap sa isang resort na pinuntahan nila sa General Santos City.

Show comments