Gagawing totoong aktres Sarah G. Live, papalitan na ng drama anthology
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 6, 2013 - 12:00am

Last episode na ng Sarah G. Live sa darating na Linggo. Mismong si Mr. Vic del Rosario, manager ni Sarah ang nagkumpirma ng balita. “Kasi pag sinagad pa, baka magsawa na ang tao,” paliwanag ng henyo pagdating sa pag-aalaga ng mga artista.

“Kaya mas ok na habang mataas ang rating niya, iba naman ang gawin niya,” dagdag nito kahapon nang makatsikahan ko sa telepono.

At nasa plano talaga na tapusin na ito. “Wala nang dapat patunayan si Sarah sa pagkanta. Mas kailangan niyang umarte, kailangang makilala rin siyang aktres,” sabi pa ni Boss Vic.

Isang drama anthology ang papalit na pagbibidahan ng Pop Princess. Thirteen weeks tatagal ang drama anthology kung saan iba-iba ang makaka-partner niya. “Lalabas dito ang acting ni Sarah. Iba-iba ang concept,” dagdag ni Boss Vic.

“Baka makalimutan na ng tao na artista rin siya. Kailangan na siyang makitang umaarte na hindi nagpapa-cute, talagang drama,” dagdag pa ng boss ng Viva Group of Companies nang makatsika ko sa telepono kahapon.

Pero three weeks muna siyang (Sarah) mamahinga bago tuluyang sumabak sa drama anthology. Kaya middle of March na uli   mapapanood si Sarah.

Bukod sa 13 weeks drama anthology, magiging mentor din siya (Sarah) sa local version ng The Voice imporma ni Boss Vic. Pero ayaw i-reveal ng manager kung sino ang mga makakasama nitong mentor sa prog­rama na ang magiging host ay sina Toni Gonzaga at Robi  Domingo.

After ng drama anthology and The Voice, gagawa na rin si Sarah ng soap opera – romance-comedy – na ayaw pa ring pangalanan ni Boss Vic kung sino ang makaka-partner.

“Marami siyang gagawin sa TV. Punung-puno siya this year. Kasi ‘di ba last year puro concert at album lang ang kanyang ginawa. Kaya this year, marami siyang gagawin na aarte siya,” dagdag ng bossing ng Viva Films.

After din ng It Takes A Man and A Woman, ang third movie nila ni John Lloyd Cruz na showing na sa Sabado de Gloria (March 30), may gagawin pa raw ang alaga niya na pelikula hindi na pa-cute cute. “Malamang horror,” maiksing sagot nito.

Pahabol na tanong. Babalik ba siya sa ASAP?

“Baka hindi na muna.”

Umabot din ng halos isang taon ang Sarah G. Live at base sa ratings ng Kantar Media, isa ang programa sa mga nangunguna at sinusubaybayan tuwing Linggo.

Ibinalita rin nga pala niya na naghahanda rin ang kanyang alaga para sa isang malaking concert para sa celebration ng kanyang 10th anniversary sa showbiz.

Coco at Julia dumayo sa Paris para maghalikan

Ang lakas ng kilig factor ng pelikulang A Moment in Time nina Coco Martin at Julia Montes na showing na sa mga sinehan sa February 13. Lalo na nang ikuwento ni Coco na nagkaroon sila ng kissing scene na kinunan pa sa Paris. “Panay nga ang siko ng lola niya kay Direk (Emmanuel Palo) dahil first time niyang nakitang nakikipaghalikan si Julia. Pero ginawa ko lang naman ang sinabi ni Direk,” kuwento ng actor na pinaka-in demand na Kapamilya actor sa kasalukuyan habang tumatawa.

Pero inulit-ulit niya na wala pa silang relasyon ni Julia. “Kung baga, pinahihinog ko pa. Bata pa siya. Hayaan mo munang i-enjoy ang pagiging bata niya,” dagdag ni Coco.

Ngayong buwan lang magde-debut si Julia kaya naman para makasiguro na si Coco, nagprisinta na siyang maging escort. Nag-dialogue kasi si Julia na baka busy ang actor kaya hindi siya sure.

Anyway, kapwa inamin nina Coco at Julia na nakaka-relate sila sa roles nilang sina Patrick at Jilian dahil sa pagkakapareho nila sa ugali at paniniwala. Ani Julia, “Pareho kami ni Jilian (character sa movie) na sweet at ma-effort pagdating sa love. Pareho din  kami na laging nagpu-prove ng sarili na iba ‘yung nakikita o naiisip ng tao sa akin sa totoong ako.”

Para naman kay Coco, sa pamamagitan ni Patrick ay maipapakita niya sa mga manonood ang ibang side ng sarili niya. “Madalas na nilang akong nakikitang seryoso, umiiyak, at galit na galit. This time, makikita nila ang isa pang parte ng pagkatao ko,” sabi ni Coco. “Kadalasan sa lahat ng mga soap opera o pelikula na ginagawa ko ako ‘yung nagre-react, ako ‘yung suplado, ako ‘yung hard-to-get. Dito sa A Moment in Time baliktad naman, ako naman ‘yung masiyahin, jologs, kalog. Basta kakaiba!”

 

A MOMENT BOSS VIC COCO JULIA KAYA NIYA PERO SARAH SARAH G
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with