Sarah lumayas na ng ’Pinas!

PIK: Napasabak nang husto si Sen. Bong Revilla, Jr. sa matinding aktingan sa Indio.

Malaking bagay naman ang tulong ni Phillip Salvador na tumatayong acting coach nito. Bago siya nagsimulang mag-taping, dumaan pa raw siya sa acting workshop kay Direk Laurice Guillen at Pen Medina.           

Isa lamang ito sa paghahanda ni Sen. Bong para magampanan niya nang maayos ang panibagong challenge sa kanyang showbiz career.

Sa Lunes na ito magsisimula sa GMA Telebabad.

PAK: Inamin pala ni Julie Anne San Jose na crush niya si Alden Richards kaya lalo tuloy silang tinutukso pagkatapos nilang magbigayan ng regalo nung nakaraang Pasko.

May nagkuwentong balak ligawan ni Alden si Julie Anne na itinatanggi naman sa amin ng young actor.

 BOOM: Nag-file na ng kasong libel si Atty. Annette Gozon-Abrogar laban kay Sarah Lahbati.

Isinampa niya ito sa Makati Prosecutor’s office na hindi na ikinagulat ng karamihan dahil naglabas na rin naman ito ng statement na kumunsulta na ito sa kanyang abogado.

Mabilis na isinampa ni Atty. Annette ang naturang kaso dahil galit na galit ito sa mga itini-tweet ni Sarah laban sa kanya.

May kumalat din na tsismis na nakaalis na ang young actress patungong Switzerland pero ang pagkakaalam namin, nandito pa siya.

Wala pang announcement kung kailan ang alis ng Fil-Swiss beauty.

Show comments