Huling silip ng mundo sa ganda ng Caramoan Survivor: Philippines Season Finale at Reunion Special Live ngayong Lunes na

MANILA, Philippines - Live na mapapanood ang inaabangang season finalé ng Survivor: Philippines kasunod ang Survivor: Philippines Reunion Special ngayong Lunes ng hapon sa GMA News TV. Ito rin ang huling pagkakataong masisilip ng mundo ang ganda ng Pilipinas sa pamamagitan ng nasabing programa.

Live via satellite simula 4:00 p.m., matira ang matibay sa apat na natitirang castaways na sina Malcolm Freberg, Michael Skupin, Denise Stapley, and Lisa Whelchel. Isa sa kanila ang maaaring tanghalin bilang Sole Survivor.

Pinangungunahan ni Emmy Award winner Jeff Probst, ang Survivor: Philippines ay kinunan sa magandang isla ng Caramoan sa Camarines Sur sa loob ng mahigit isang buwan. Nahati ang 18 castaways sa tatlong tribo — Tandang, Kalabaw, and Matsing. Makalipas ang ilang tribal council, ang natirang castaways ay nagsama-sama sa merged tribe na tinawag na Dangrayne.

Ang apat na natitirang castaways ay haharap ngayong Lunes sa mga jury na kinabibilangan RC Saint-Amour, Jeff Kent, Artis Silvester, Peter Yurkowski, Jonathan Penner, Carter Williams, at Abi Maria-Gomes.

Alamin kung sino ang tatanghaling sole survivor sa Survivor: Philippines season finalé ngayong Lunes live via satellite simula 4:00 p.m. at sa Survivor: Philippines Reunion Special simula 6:00 p.m. sa GMA News TV.

Show comments