Bigay na regalo hindi tinanggapaktor basted sa leading lady

PIK: Congratulations kay Alfed Vargas sa magandang resulta sa box-office ng pelikula niyang Supremo na lumabas sa lahat na SM Cine­mas nationwide.

Binigyan pa siya ng isa pang linggo na showing at tuwang-tuwa siya dahil suportado ito ng mga estudyante.

 “Nabawi ko na nga puhunan ko,” natatawang pahayag ni Alfred sa amin.

PAK: Sa Paris pa pala nag-propose ang Cagayan de Oro Cong. Benjo Benaldo kay Daiana Menezes.

Sa ilalim ng Eiffel Tower niya ibinigay ang engagement ring at doon siya nag-propose na ikinakilig naman nang husto ng Brazilian model/actress.

Wala pa silang exact date na naisip kung kai­lan magpakasal pero baka mga mid of next year daw o pagkatapos ng eleksiyon.

Ang gusto ni Daiana ay simpleng wedding lang daw na gagawin sa Cagayan de Oro.

Sa ngayon ay ini-enjoy lang muna ni Daiana ang kanyang love life at masaya rin siya dahil gumaganda ang career nito.

May pelikula siyang My Amiga Girl na nag-showing na kahapon sa lahat na SM cinemas.

BOOM: Namataan ng isang kaibigan si young actor na malungkot nang lumapit ang kanyang personal assistant at ibinulong na ibinalik ng kanyang leading lady ang regalong pinadala nito.

Inutusan pala ni young actor ang PA niya na ibigay ang regalong binili niya para sa leading lady nito, pero hindi raw tinanggap ng aktres.

Mukhang na-develop na yata si young actor sa leading lady niya, kaya lang ang dami namang nanliligaw sa aktres pagkatapos niyang ideklarang single na siya.

Magkasama sila sa isang panghapong drama series at napapag-usapang nagkadebelopan na.

Na-develop nga si aktor, pero hindi pa yata ready si aktres kaya hindi man lang naka-first base, tila basted na si aktor.

Sabi naman kasi ni aktres, mas priority daw niya ngayon ang trabaho kesa sa love life, O baka di lang niya talaga type si aktor?

 

Show comments