^

PSN Showbiz

Rachelle Ann at Frencheska, malakas ang laban para maging Lea Salonga

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Ilalahad sa Hot TV ang buhay ni Lorna Tolentino at alamin ang saloobin nito pagkatapos siyang nabiyuda.

Kasabay sa promo ng Pahiram ng Sandali nakasali rin sina Dingdong Dantes at Max Collins ay pag-uusapan kung nakaranas sila ng May-December Affair.

Live ding guest si Brian Villoria, at muling magsasalita si Regine Velasquez tungkol sa balak nilang repeat ng Silver concert na libreng mapapanood ng mga supporters nito.

PAK : Marami ang nakapansin sa sobrang pagkaangas nitong young actor na dati ay bait-baitan ang drama dahil mas sikat sa kanya ang kasabayan nitong young actor na magaling umarte.

Mas guwapo itong si angas-angasang young actor, pero mas magaling sa kanya itong katapat niya.

Kaya lang medyo lumalamlam ang career ng maga­ling na young actor at feeling yata nitong si maangas na young actor ay sisikat na siya.

Pero wala namang nabago, kahit marami siyang show.

Ang lutong daw nitong magmura na muntik pang nakipag-away sa kanya ang isang baguhang aktor nang minura niya ito sa backstage ng isang variety show na pinagsamahan nila.

Marami pa kaming naririnig tungkol sa pagkaangas nitong young actor. May kasunod pa ‘to.

BOOM : Umaariba ang mga Kapuso talents sa audition ng Ms. Saigon at ayon sa nakakalap namin, malakas na lumalaban sa role na Kim sina Rachel Ann Go at Frencheska Farr.

Malakas din daw sa role na Gigi si Aicelle Santos, pero tahimik lang muna sila ngayon dahil ayaw naman nilang umasa kung talagang makakapasa sila.

Ang pagkakaalam namin, kahapon ang call back nila at maaring malaman na kung sino ang nakapasok sa Ms. Saigon.

 

AICELLE SANTOS

BRIAN VILLORIA

DINGDONG DANTES

FRENCHESKA FARR

LORNA TOLENTINO

MARAMI

MAX COLLINS

MAY-DECEMBER AFFAIR

MS. SAIGON

RACHEL ANN GO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with