^

PSN Showbiz

Nikki kuntento kahit hindi na madalas makita si Billy

SHOWBIZ NEWS NO NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Huling napanood sa isang teleserye si Nikki Gil sa Mun­do Man ay Magunaw kamakailan. Ayon sa singer-actress, muli siyang mapapanood sa isang soap opera sa susunod na taon.

“I just finished taping for the pilot week of a soap. Masa-sight n’yo na lang siguro ’yun bilang hindi ko naman show ito,” natatawang pahayag ni Nikki.

Ayon sa dalaga, wala namang problema sa kanya kung kontrabida ang  mga napupuntang role sa kanya.

“Magkaibang klaseng energy ’yung kinukuha ng pagiging kontrabida at pagiging protagonist. Magkaiba ng level of intensity na ibinibigay, magkaiba ng requirements. And given that, magkaiba rin ng level ng satisfaction. Iba rin ’yung joy nang nagmamaldita ka sa eksena. Pero iba rin ’yung ikaw ang minamalditahan. Magkaiba ng experiences and both are beautiful to me,” paliwanag ni Nikki.

Samantala, masaya ang dalaga sa takbo ng kanilang relasyon ni Billy Crawford. Marami na rin pinagdaanang pagsubok ang dalawa pero na­na­natiling matatag ang kanilang samahan.

“We’ve been in the relationship for so long. Pa­rang lumampas na kami sa stage na bawat kibot, i-inform mo ’yung tao kung ano’ng ginagawa mo. Nandun kami sa stage na it’s okay if we don’t see each other everyday. We know that we’re fine, that our relationship is okay, that we love each other,” giit pa niya.

LAUREN idinenay si Elmo pero ‘anak’  na ang turing ni Pia Magalona

Wala na sa pangangalaga ng Star Magic ang nakababatang kapatid ni Megan Young na si Lauren Young. Si Pia Magalona na ang bagong talent manager ng dalaga ngayon.

“I am not with Star Magic any­more. I am still in the pro­cess of figuring out where to be in my career right now. What I also like about Ms. Pia is my mom’s not here, she is also in the States and my Dad is always busy with work and we have our own lives, kaming magkakapatid. So ayun, she kind of took me under her wing and she is so nice to me and very supportive with me. And siguro nakita niya na maybe I need something else for my career so she offered to help me out and that is what I appreciate,” nakangiting pahayag ni Lauren.

Nilinaw rin ng dalaga ang kumakalat na balitang karelasyon na niya si Elmo Magalona na anak ng kanyang manager.

“Elmo and I are okay, we are friends. Para po sa akin, this is the modern era and boys and girls can be friends without them being together. He is just my guy friend. He is not my boyfriend so ’yun lang po ’yun. I enjoy his company as my friend and he is a very nice friend. What I like about him, he respects that both of us don’t want to be in relationships and I don’t have any plans of being in a relationship with Elmo kasi I work with his mom and I am friends with his siblings,” giit pa ni Lauren.

Nakakatanggap ng mga masasamang salita ang dalaga mula sa ilang tagahanga ng tambalan nina Elmo at Julie Ann San Jose pero naiin­tindihan naman ito ni Lauren at hindi naman na­a­pek­tuhan ang pagkakaibigan nila ng binata.  Reports from JAMES C. CANTOS

                  

 

vuukle comment

AYON

BILLY CRAWFORD

ELMO

ELMO AND I

LAUREN

SHY

STAR MAGIC

WHAT I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with