Richard Poon ginawang jazz ang mga Christmas song

MANILA, Philippines - Malapit nang sumapit ang Pasko at ang lahat ay nagplaplanong kumuha ng magandang regalo.

Si Richard Poon na may multi-platinum studio albums na hawak ay nakagawa na ng sariling pangalan dahil sa kanyang kakaibang angking talento sa musika — iniiba ang musika ng panahon mula sa paglikha niya ng kakaibang timbre at ginagawa niya itong bata para sa mga nakaraang henerasyon na la­ging tumatangkilik sa mga klasikong musika.

Tamang-tama sa panahon, ang Fil-Chinese crooner ay maglalabas ng kanyang unang Christmas album — Christmas with Richard Poon.

“Many say my genre of music is best for Christmas songs, but I never got a chance since I came out in 2008.  This is my first shot at it,” sabi ng singer.

Mula sa masiglang klasikong pamaskong handog na may dagdag na makabagong jazz, magsisimula si Poon sa Last Christmas at bibigyan niya ito ng bagong anggulo mula sa kanyang energetic Big Band.

Nagdagdag siya ng tatlong babae (jazz trio Baihana) mula sa ’60s vocal harmony na magdadagdag lasa sa Jingle Bells, at magbibigay tamis, at lambing sa kanilang bersiyon ng Christmas Song, Have Yourself a Merry Little Christmas, Merry Christmas Darling, at Grown Up Christmas List.

Experience a unique, Fil-Chinese crooner na kumakanta ng Christmas songs!

Show comments