Gabby dinedma ang 18th birthday ng anak na si Cloie!

SEEN: Nag-celebrate ng 18th birthday si Cloie Concepcion noong Aug. 17.

Ipinaalaala ng fans ni Cloie kay Gabby Concepcion ang birthday ng kanyang anak kay Jenny Syquia.

SCENE: Magkaedad lamang ang mga hitsura nina Gabby Concepcion at Jake Cuenca sa mga eksena nila sa Kahit Puso’y Masugatan. Si Gabby ang tatay ni Jake sa teleserye ng ABS-CBN.

SEEN: Ngayon ang 73rd birthday ng Regal Entertainment, Inc. producer Mother Lily Monteverde pero ipinagdiwang niya noong nakaraang taon ang 73rd birthday dahil sa paniniwala ng mga Chinese na unlucky number ang 9.

SCENE: Nabili ni Tony Gloria ng Unitel Productions ang rights ng Himala, The Musical.

Ang Himala ang award-winning at critically acclaimed 1982 movie ni Nora Aunor.

SEEN: Si Regine Velasquez at hindi si Ogie Alcasid ang magdiriwang ng silver anniversary sa showbiz sa taong ito.

Silver ang title ng 25th anniversary concert ni Regine sa Mall of Asia Arena sa Nov. 16.

SCENE: Ang Gibson Ampitheatre ng Universal Studios ang venue ng first and last live show sa Sept. 16 ng Manny Manny Prizes sa Amerika.

Special guests ni Rep. Manny Pacquiao sa US show ng Manny Many Prizes sina Dingdong Dantes, Julie Anne San Jose, at Elmo Magalona.

SEEN: Tinawag na lying thief si Sen. Tito Sotto ng American writer na si Sarah Pope pero wala itong balak na sampahan ng kaso ang senador dahil sa pangongopya sa kanyang blog.

Show comments