Juday, makikisaya sa birthday celebration ni Sarah

Manila, Philippines -  Makiki-celebrate ang Queen of Teleserye at bida ng upcoming Kapamilya drama series na Against All Odds na si Judy Ann Santos ngayong Linggo (Hulyo 8) sa ikalawang linggo ng month-long birthday bash para kay Pop superstar Sarah Geronimo sa Sarah G. Live! Tampok si Juday sa isang kaabang-abang na one-on-one interview kasama si Sarah.

Bukod kay Judy Ann, magdadagdag kasiyahan din sa movie night episode ang lead stars ng Angelito: Ang Bagong Yugto na si JM de Guzman na magiging guest co-host ni Sarah at John Prats na may inihanda namang smash-up dance number. Samantala, abangan din nga­yong Linggo ang espesyal na kantahan ni Sarah kasama ang Little Big Star winners na sina Sam Concepcion, Makisig Morales, Rhap Salazar, at Kyle Balili. 

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng month-long birthday celebration ni Sarah sa trending at top-rating Sunday primetime show ng ABS-CBN.

Show comments