Dennis at Bianca, naghiwalay na dahil sa third party?!

PIK: Nag-graduate si Ara Mina sa culinary arts sa ISCAHM o International School for Culinary Arts and Hotel Management sa Katipunan, Quezon City nung isang araw lang.

Namataan naming nan­dun din ang Bulacan Mayor na si Patrick Mene­ses na matagal nang nali-link kay Ara.

Ang sabi ng aktres, nag-graduate din doon ang kapatid ng mayor. Pero hindi na itinatanggi ni Ara na sila na nga ni Mayor Patrick.

Ayaw na sana nilang pag-usapan ito dahil alam niya kung ano na ang sasabihin ng mga tao na pagkatapos kay Jomari Yllana na naging asawa ni Aiko Melendez, kay Mayor Patrick naman siya ngayon na-involve na galing din kay Aiko.

“Ganun na yata talaga ang buhay ko,” napabuntong hininga na pahayag ng aktres.

PAK: Totoo kayang break na sina Dennis Trillo at Bianca King?

Wala pa naman silang inaamin sa publiko pero nakikita namang may namamagitan sa kanila. At hindi naman nila itinatangging espesyal ang kanilang pagtitinginan.

Ang nakarating sa amin, may third party involved daw sa hiwalayan. Pero aalamin pa namin kung totoo nga ito o hindi.

Sasagutin kaya nilang hindi totoong break sila?

BOOM: Gustong mag-move on ni Ruffa Gutierrez at pati na rin ang mga taga-Paparazzi sa kontrobersiyang pinagdaanan nila.

Ang sabi ni Ruffa, nakakausap na niya ang ilang hosts ng Paparazzi gaya nina Zoren Legaspi at Mariel Rodriguez at kahit nga si Mr. Fu.

Iniiwasan sana itong pag-usapan sa press launch ng Roof-A-Child ng aktres pero sinagot pa rin naman niya nang matanong ang tungkol sa isyung ito.

Ayon kay Ruffa, open pa rin naman siya sa posibilidad na mag-host ng isang showbiz-oriented talk show.

“I’m looking forward to a better project, more fulfilling project and of course two years ako sa show, napamahal naman sa akin ang mga kasamahan ko run,” pahayag ng beauty queen-TV host-actress.

Pero hindi lang niya masagot kung sa TV5 pa rin ba siya magkaroon ng talk show kung sakali.

Hindi niya masagot ang isyung may balak siyang lumipat sa ibang istasyon dahil sa nangyari.

Ang nasabi lang ng aktres, “May kontrata pa ako sa TV5. I think all those talks are very immature at huwag muna natin pag-usapan kasi siyempre respeto na rin natin sa TV5.

“Hindi natin masasabi ang bukas. So many things can happen in six months,” makahulugan niyang sagot sa amin.

Show comments