Star Magic Reunion nasa ASAP 2012

MANILA, Philippines - Isang patikim ng 20th anniversary celebration ng Star Magic ang magaganap sa darating na June 24.

Sasabak sa isang song and dance number ang mga pambatong performers ng Star Magic. Pangu­ngunahan nina Guji Lorenzana, JM Rodriguez, Rhap Salazar at Khalil Ramos ang isang mala-Glee song number kasama ang mga magaga­ling na singers na sina K-La Rivera, Akiko Solon, Mo­nica Sacay, Krissel Valdez, Tom Rodriguez, Nico Antonio, DJ and Micah Lamar, Janella Salvador, Emmanuelle, Aria Clemente, Tip­py dos Santos, Krissy and Erika Villongco, at ASAP’s Boys are Boys na sina Alex Castro, Bryan Termulo at Markki Stroem. May birthday celebration si Andi Eigen­mann kung saan makakasama niyang mag-perform ang mga Star Magic leading men na sina Martin del Rosario at Jake Cuenca.

Sa July 1, isang dance production number na katatampu­kan ng mga magagaling na dan­cers ng Star Magic. Magsasama sa isang dance showdown sina Thou Reyes, Gem Ramos, Saicy Aguila, PGT’s Happy Feet at Neilbeth, Charles Chris­tian­son, Chikara Nawa, Zeppi Borromeo, Justin Gonzales, Young JV, Pica Lozano, Joe Vargas, Rap Salazar, Bianca Casado, Vangie Martelle, Lynn Oeymo, Zaira dela Peña, Nel Gomez at Helga Krapf. Ito ang ikalawang bahagi ng pre-anniversary celebration ng Star Magic.

Abangan ang engrandeng 20th anniversary celebration ng Star Magic sa July 8 sa ASAP 2012 kung saan mistulang reunion ng mga naglalakihang pangalan ang magsasama sa entablado.

Show comments