Farah nagsisimula nang makilala sa Asya

MANILA, Philippines - Ipinakilala si Farah Ramos kamakailan sa isang press-meet para sa unang Fashion’s Night Out (FNO) sa Maynila.

Anak ni Chit Ramos si Farah na kilalang Runway Diva at fashion icon. Hangarin niyang makakilala ng mga talented na tao sa fashion industry bukod sa pagbibiyahe sa mundo na nagsimula sa Asya ngayong taong ito.

Marami nang nagawang mod eling stint si Farah. Kabilang dito ang Bravo Filipino (Designer: Tippi Ocampo); Fashion Show; Monday Magazine (Fashion Editorial); Philippine Fashion Week; Project Runway Philippines Season 2; Okasyon Fashion Show; Schwarzkopf Essential Looks - Fashion Show; Fashion Shows for Gerry KatigbakMega Young Designers’ Competition 2012 - Designer: Oz Go; Preview Magazine (Fashion Editorial); YOU Magazine (Fashion Editorial); Manila Bulletin (Fashion Editor ial); Tough Jeansmith Fashion Show; Listening in Style (Print Ad); at Rodriguez de Alba (Print Ad)

Malakas na aspeto ni Farah na wala siyang kinatatakutan at, habang nahahamon siya, lalo siyang nagiging mahusay.  Para kay Farah, mas masaya siya kapag may ginagawa siyang catwalk at nagla laro ng volleyball.

Bilang kasama sa Fashion’s Night Out (FNO) model’s line-up, suportado ni Farah ang simulain ng grupo at pagsisikap na gawing mas kapana-panabik ang fashion industry.

Show comments