P-Noy at Grace nag-date sa concert ni Sergio Mendez

SEEN: Magkasamang pinanood nina P-Noy at Grace Lee ang concert ni Sergio Mendez sa Smart Araneta Coliseum noong Martes.

Press release lang ang balita na break na sina P-Noy at Grace.

Nanood din ng concert sina dating Pangulong Joseph Estrada at dating senadora Loi.

SCENE: Overacting si Jericho Rosales at parang humihingi ng acting award sa mga dramatic scene niya sa Dahil sa Pag-Ibig.

SEEN: Deactivated na ang mga Twitter account nina Aiza Seguerra at Krizza Neri, ang grand winner ng Protege, dahil mga biktima sila ng mga basher.

Hindi tama na inili-link si Aiza kay Krizza dahil menor de edad ito.

SCENE: “I’m single and will stay single forever because I am married to my fans” ang pangkilig- na statement ni Greyson Chance sa fans na nanood ng kanyang concert sa Pilipinas, Indonesia, Singapore at Malaysia.

SEEN: Ang pahayag ni former President Joseph Estrada sa TV guesting nito kahapon na ikokonsulta niya sa mga anak na sina Senator Jinggoy Estrada at Congressman JV Ejercito ang kanyang plano na pagkandidato bilang mayor ng Maynila sa 2013.

SCENE: Kailangan uli ngayon ni Jessica Sanchez ng suporta at boto ng mga Pilipino at Mexicano upang manatili at makaabot siya sa grand finals ng American Idol sa May 24.

SEEN: Napaluha si Sharon Cuneta sa presscon kahapon ng Sharon Kasama Mo, Kapatid ng pakiusapan niya ang entertainment press na ibalita na maganda ang kanyang show sa TV5.

SEEN: Lalong napaiyak si Sharon Cuneta ng mapag-usapan ang tampuhan nila ng kanyang tiya na si Helen Gamboa.

Sinabi ni Sharon na mahal na mahal niya si Helen, kahit nagtatampo ito sa kanya.

Show comments