PBB Big Winner at mga ex-housemates, magre-reunion

MANILA, Philippines - Magpapasabog ng isang summerrific April Fool’s party ang ASAP 2012 ngayong Linggo (Abril 1) na pangungunahan ng isang katangi-tanging performance mula sa ilan sa pinakamagagaling na music icons ng bansa na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Kuh Ledesma, at Jamie Rivera. 

Ipagbubunyi rin ang kagandahan at kagalingan ng mga Pilipino sa ASAP centerstage sa pagrampa ng mga Bb. Pilipinas 2012 candidates kasama ang ASAP Kapamilya na si Venus Raj; at sa engradeng pagsalubong sa pinakabagong PBB Big Winner kasama ang Big 4 na sina Pamu, Paco, Biggel at Slater, at ang mga ex-housemates na sina Wendy, Deniesse, Kim, Mark, Ryan, Jerico, Jessica, Seiichi, Carlo, Kevin at Divine. 

Maghahain naman ng isang world-class performance ang ilan sa pinakamahuhusay na mang-aawit na sina Christian Bautista, Jed Madela, Nikki Gil, Bugoy Drilon, Liezel Carino, ASAP Sessionistas, at Boys R Boys; samantalang maghahandog naman sina Aiza Seguerra, Zia Quizon, Paolo Valenciano at Bryan Termulo ng isang hindi dapat palampasing acoustic collaboration. 

Makisaya sa triple birthday celebration nina Asian Supahstar Karylle at ng teen royalties na sina Kathryn Bernardo at Enrique Gil; at sa pagbisita ng cast ng summer movie of the year na Moron 5 and The Crying Lady na pangungunahan nina Billy Crawford, Luis Manzano, Marvin Agustin, DJ Durano, Martin Escudero at John Lapus. 

Makikipagtagisan naman ng galing sa pag-indak ang female teen stars na sina Miles Ocampo, Sue Ramirez, Angeli Gonzales at Aliyah Benisano, sa mga cute na cute na child wonders na sina Yogo Singh, Kyle Ang at Abby Bautista ng Wako Wako, Deydey Amansec, Blythe Gorostiza, Izzy Canillo at Barbie Sabino ng E-Boy, at sina Joshen Bernardo at Bea Basa ng Ange­lito.  

Samantala, payayanigin na naman nina KC Concepcion, John Prats, Iza Calzado, Cristine Reyes, Empress, Jessy Mendiola, Iya Villania, at Rafael Rossel ang ASAP dancefloor para sa isa na namang malupit na dance number sa Supahdance. 

Show comments