Akala ng marami ay okay na si Nora Aunor sa kanyang pagbabalik ng bansa. Malaki na ang improvement ng kanyang boses na dati ay halos ‘di mo marinig. Kung hindi siya mag-effort ay talagang mahihirapan kayong magkarinigan. Kaya nga siya bumalik ng US, Boston specifically ay para ito malunasan. Everybody thought that she would be coming back with a successful operation. Nang sabihin ng kampo niya na okay na siya kahit hindi naoperahan ay napausal na lang ng dalangin ang mga tagahanga at tagasubaybay niya, grateful na hindi na niya kinailangang sumailalim sa isang operasyon.
Pero sa isang latest interview niya, napag-alaman na kinakailangan pala niyang bumalik ng US para maoperahan at makakantang muli. Tatapusin lang niya ang pelikula nila ni Brillante Mendoza at pagkatapos ay sasailalim na siya sa isang operasyon, dun sa US. Pagkatapos nito ay saka niya haharapin ang mga trabaho niya sa TV5 tulad ng isang serye, isang game show at isang pelikula. Kapag matagumpay ang naging operasyon sa boses niya ay baka maisingit niya ang isang concert na gagawin niya para sa kanyang fans.
Dalawang nanalo sa Mr. & Ms. Olive C, masuwerte
Masuwerte na rin ang dalawang nanalong Mr. & Miss Olive C, isang paligsahan na pangalawang taon nang itinataguyod ng Psalmstre, gumagawa rin bukod sa Olive C, isang sabon para sa mga kabataan na nagbibigay sa kanila ng isang magandang kutis at pimple-free face, ng New Placenta soaps and beauty products at Scent J, isang pabango.
Kahit wala ang president at CEO ng Psalmstre na si G. Jim Acosta dahil nasa Middle East ito, patuloy ang kanyang kumpanya sa pagpapalaganap at pagpapasikat kina Rohama Rearte at Aljohn Lucas sa pamamagitan ng paggi-guest sa dalawa sa radio at telebisyon. Isinasama rin sila sa mga promo tours para sa Olive C na siyang pangunahing gawain nila bilang endorser ng nasabing sabon. Sumasailalim din sila sa mga workshops at personality development bilang paghahanda sa kanilang paglahok sa isang paligsahan para sa mga kabataan na magaganap sa Guatemala sa buwan ng Oktubre.
Isang small at intimate presscon ang ipinatawag ng mga tauhan ni G. Acosta kamakailan where they presented to the media once again sina Rohama at Aljohn.
Wala pa namang gaanong pagbabago sa parehong 16 na taong gulang na kabataan na parehong ga-graduate ng high school sa susunod na buwan. Pareho ring magko-college ang dalawa sa pasukan, si Aljohn sa New Era College at si Rohama sa Our Lady of Fatima Antipolo. Parehong MassCom ang kukunin nilang kurso.
After winning their titles, naging awtomatikong myembro sila ng CreWorks Asia isang kumpanya rin ng Psalmstre na nagsasanay sa mga kabataan sa sining ng pag-arte, pagkanta, pagsayaw at iba pang may kinalaman sa performing arts. Limang taon silang nakakontrata rito.
PMPC nanawagan sa mga gustong magpa-review ng kanilang CD
Mundo ng musika naman ngayon ang pagtutuunan ng pansin ng Philippine Movie Press Club, Inc., (PMPC) after ng pagbibigay ng awards para sa pelikula nung March 14.
Ang pagre-review para sa 4th PMPC Star Awards for Music ay mag-uumpisa after ng Holy Week.
Para sa mga gustong magpa-review ng CD/album, open sa lahat ng mga recording company at maging sa mga independent producer na nag-release nung June 1, 2011 hanggang May 31, 2012. Ipadala sa PMPC office Rm. 202, Deta Bldg., 76 Roces Avenue, Q.C. Maaari ring tumawag sa 4065251.
Samantala, abala rin ang Club sa pag-oorganisa ng fundraising show na gaganapin sa May 5, sa Zirkoh Morato, Quezon City kung saan ay binabalak na isabay ang launching ng PMPC Website na gawa ni Jojo Villaraza, research correspondent ng isang U.S. company.
Magkakaroon din ng seminar ang mga opisyales at miyembro sa April 28 para sa amendment ng Constitution ng Club.
May pa-contest din ang PMPC para sa mga manunulat. Naisagawa na ang writing contest na ito ng organisasyon, kaya lang ay panandaliang natigil.
Sa mga PMPC members na gustong sumali, ang deadline ng writing contest ay sa October. Magkakaroon din ng on-the-spot writing contest ang PMPC na kung saan ay isang personalidad ang sabay-sabay na iinterbyuhin.