Mini-serye ni David Archuleta hanggang Biyernes na lang

MANILA, Philippines - Excited na ang fans ng American Idol star na si David Archuleta dahil sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang kauna-unahang Asian TV project, ang Nandito Ako ng TV5.

Sa pagsasara ng Nandito Ako, nakaabang ang lahat dahil sa nalalapit na benefit concert ng character ni Archuleta sa miniserye na si Josh Bradley, nakatakda niyang i-reveal sa lahat ang real identity ng kanyang girlfriend. Pero malaking palaisipan ito para sa mga manonood ng Nandito Ako dahil kahit na alam nilang si Anya (Jasmine Curtis Smith) ang tunay na mahal ni Josh, nagparaya ang dalaga para sa kanyang bestfriend na si Holly (Eula Caballero) na nagmamahal din kay Josh.

Masakit man kay Anya, pinili niyang ipaubaya si Josh kay Holly dahil sa pagka-diagnose ng bestfriend niya with brain cancer, nais niyang maging masaya ito sa kanyang mga nalalabing araw. Sa paglayo ni Anya, mas napalapit si Josh kay Holly. Pero malalaman pa kaya ni Josh na si Anya ang batang babaeng nagligtas sa kanya sa sunog dati at nasa dalaga din ang nawawalang piraso ng kanyang relo?

Napapanood ang Nandito Ako gabi-gabi hanggang Marso 23 sa TV5.

Show comments