Fierce and explosive performances in Rated Party Pilipinas

MANILA, Philippines - Umuusok at maiinit na mga putahe ang ihahandog sa mga manonood sa

Rated Party Pilipinas

bukas ng Linggo.

Hahataw sa Rated Party Pilipinas ang mga star ng romantic-comedy na My Kontrabida Girl ng GMA Films na sina Rian Ramos at Aljur Abrenica sa kanilang dance interpretation ng theme song ng kanilang pelikula na kinatanta ng Tween stars na sina Julie Anne San Jose at Derrick Monasterio.

Tampok din si Assunta de Rossi sa Love Party Pilipinas habang kumakanta ng mga popular na OPM ang mga paborito ninyong Kapuso stars.

Sabayan din ang kantahan at sayawan ng mga subok nang mga vocalist at dance soloist ng Party Pilipinas.

Bubuhayin ni RnB Princess na si Kyla ang mga sikat na awitin ng Bee Gees.

Magpapakilig naman sa kanilang bagets production number ang mga kabataang Biritera lead stars kasama sina Arkin, Nomer at Leana.

Tipong Whitney Houston naman ang magiging gimik nina Jaya, Protégé Lovely at Jonalyn sa kanilang ipaparinig na mga awitin.

Abangan din ang sexy hataw number nina Rochelle, Aira, Pauleen at Vaness.

Samantala, ang Party Pilipinas ay ginawaran ng University of Mindanao ng Best Variety Show makaraang magsagawa ng survey sa Davao City ang mga estud­yante ng mass communications.

Show comments