^

Batang Ama, mas pinapanood ng bayan!

() - March 9, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Buong bansa ay nakatutok na tuwing hapon sa makulay na kuwento ng Angelito: Batang Ama sa mas tumitingkad na Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Base sa pinakahuling datos ng Kantar Media, panalo sa average national TV rating na 13.2% mula Feb 27 hanggang Mar 2 ang programa kumpara sa kalaban nito na nakakuha ng 12.5%. Maging sa online world ay gumagawa ng ingay si Angelito (JM De Guzman) sa patuloy nitong pakikipaglaban sa karapatan bilang ama at makailang beses na ring nag-trend sa micro-blogging site na Twitter.

Patuloy na subaybayan ang mga kaganapan lalo pa’t nasa poder na ni Rosalie (Charee Pineda) ang anak nilang si Jun-Jun (Joshen Bernardo).

Paano nga ba haharapin ni Angelito ang pagkakawalay sa anak?

Paano rin pupunan ni Rosalie ang limang taong hindi nakasama ang batang iniluwal niya sa mundo? Pakatutukan 3:15 p.m. pagkatapos ng Mundo Man ay Magunaw.

BATANG AMA BUONG CHAREE PINEDA DE GUZMAN JOSHEN BERNARDO KANTAR MEDIA KAPAMILYA GOLD MUNDO MAN PAANO ROSALIE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with