Relasyon nina Jolo at Kris, naudlot!

PIK: Congratulations kay Alfred Vargas na napiling Most Outstanding Quezon City Councilor ng Quezon City Press Club.

Iginawad ang Bantayog Award nung February 27 pero hindi nakadalo si Alfred kaya nung nakausap namin kahapon, gusto niyang iparating ang taus-pusong pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng Quezon City Press Club.

Marami pang pinaghahandaang proyekto si Alfred para sa QC, pero meron din siyang pinaghahandaang malaking movie project na ipu-produce ng kanyang Alternative Vision Cinema.

PAK: Inamin ni Kris Bernal na naudlot ang ano mang magandang relasyon sana nila ni Jolo Revilla.

Ayaw na niyang idetal­ye kung ano ang dahilan pero pareho naman daw silang abala kaya mabuting manatiling friends na lang daw sila.

Abala ngayon si Jolo sa kanyang mga projects sa Cavite at si Kris naman ay nakatutok sa promo ng Hiram na Puso na magsisimula na sa darating na Lunes.     

Kaya deretsahang nagpahayag si Kris na hindi pa niya naipapahiram ang kanyang puso.

BOOM: Hindi akalain ng mga taga-FHM na lalaki nang husto ang Racist issue ng kanilang anniversary issue kung saan si Bela Padilla ang nasa cover na may konseptong Stepping Out of the Shadows na kung saan kasama nito ang mga maiitim na babae.

Umabot na ito sa ibang bansa at na-interview na nga si Bela ng CNN at BBC.

Kaagad naman silang humingi ng public apo­logy, pero gusto nilang linawin na wala silang intensiyong masama sa concept ng cover.

Na-pull-out na nila ang isyung iyun at pinalitan na nila ang nasa cover na si Bela pa rin naman ang model.

Show comments