^

Custody ng dalawang anak ibinigay din sa kanya ng korte, Ruffa annulled na kay Yilmaz Bektas!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis () - February 25, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dalaga na uli si Ruffa Gutierrez. Ito ay matapos paboran ng korte ang isinampa niyang petition para mapawalang bisa ang kanilang kasal ng dating asawang si Yilmaz Bektas.

“The Petition for the Declaration of the Nullity of Marriage which we filed on behalf of our client Ms. Ruffa Gutierrez against her husband Yilmaz Bektas has finally been granted by the Regional Trial Court of Taguig City, declaring the same to be null and void under Article 36 of the Family Code last January 17, 2012.

“She is now officially single.

“Custody of the two children Lorin Garbriella and Venezia Loran have likewise been awarded to our client, Ms. Sharmaine Ruffa R. Gutierrez,” deklara ng kanyang mga abogado na sina Atty. Ho­ward M. Calleja at Atty. Connie J. Aquino.

Nakasaad din sa desisyon na : “WHEREFORE, judgment is hereby rendered declaring the marriage between petitioner SHARMAINE RUFFA R. GUTIERREZ and respondent YILMAZ BEKTAS celeb­ rated on March 25, 2003 as null and void ab initio on the ground of psychological incapacity on the part of the respondent under Article 36 of the Family Code with all the legal consequences provided by law.”

Matagal nang hinihintay ni Ruffa ang nasabing desisyon na ilang taon na ring nasa korte. Nababasa ko sa Twitter na kasalukuyan siyang (Ruffa) nasa Boracay.

Luis mamimigay ng P2 million, banker magiging tuso

“Kaabang-abang ang magiging kulitan at pakikihalubilo ko sa contestants. Alam kong napakalaki ng kailangan kong punan bilang host pero sa kabila nito, mas nangingibabaw pa rin ang excitement ko sa magiging karanasan ko sa Deal,” sabi ni Luis Manzano sa pagbabalik ng Kapamilya Deal or No Deal ngayong Sabado kasama ang bago nitong host na si Lucky bilang kapalit ni Kris Aquino.

Common knowledge na si Luis ang napili para maging bagong host ng Deal matapos ang tatlong seasons na pinangunahan ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Kung sabagay hindi na bago kay Luis ang pagho-host.

Sa panibagong edisyon, isang panibago at mas tusong Banker ang magbibigay ng offers sa mga studio contestant at bagong brief case girls din, na tatawagin ng 24K girls.

Tumataginting na P2 million pa rin ang jackpot na maaring mapanalunan ng mga studio players.

May 21 Pilipino na ang naging milyunaryo at nabago ang kapalaran sa pamamagitan lang ng pagpili ng tamang briefcase mula noong 2006.

Buena manong maglalaro at susubok sa kanyang kapalaran ngayong Sabado (Feb 25) ang nagbabalik-Kapamilya na si Carmina Vilarroel. Suwertehin kaya si Carmina?

Siya na kaya ang susunod sa yapak ng mga celebrity players na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Maja Salvador, Gerald Anderson at Jake Cuenca, Arnel Pineda, at Aiko Melendez na nanalo ng milyones?

Pamilya ni Daiana sa Brazil, mayaman

Maganda ang pasok ang 2012 sa Brazilian model at Eat Bulaga! junior host na si Daiana Menezes kaya naman inspirado siya sa pagtatrabaho. Isa sa blessing na dumating sa kanya ay ang pagiging endorser ng isang brand ng biscuit at meron pang ibang naka-line up na TV commercials na gagawin niya. 

Last year kasi, naging malaking problema ang nangyari sa kanya dahil sa problema niya sa Bureau of Internal Revenue. Palibhasa masyado niyang ipinagkatiwala ang kinikita sa dating manager, kaya naman nakasuhan siya ng hindi pagpa-file ng income tax!  Idagdag pa riyan nang masunog ng kanyang condo at ang masalimuot na pinasok niyang pag-ibig! 

Pero sa awa ng Diyos, nalampasan na ni Daiana ang problema niya sa BIR. Nabayaran na niya ang utang niya rito at napaayos na rin naman niya ang kanyang tinitirhang condo.  Nakipagkalas na rin siya sa kanyang boyfriend at napuntahan sa Brazil ang lolo na may sakit nu’ng Christmas. Loveless but still beautiful ang drama ni Brazilian ngayon 2012.

Pero kahit nananahimik at patuloy na nagsusumikap sa trabaho, ayaw pa ring tantanan ng intriga si Daiana.  Naghihirap daw ang pamilya nito sa Brazil kaya naman todo ang pagbabanat niya ng buto sa Pilipinas! 

Lingid sa kaalaman ng marami, galing sa marangya at magandang pamil­ya si Daiana sa Brazil. Bukod sa nakapagtapos siya ng fashion design sa isang private university sa Brazil, meron silang business ng kanyang daddy na si Helio Menezes. Pito ang branch ng kanilang Soul Shoes store sa kanyang bansang sinilangan. 

Pinagawan din si Daiana ng rest house ng kanyang daddy na merong swimming pool at soccer field dahil love niya ang football. Kung gusto ninyong makita ang rest house ni Daina sa Brazil,  heto ang link – http://www.youtube.cpm/watch?v=32ULKziLyk0 (or i-search lang na Daiana Menezes Brazil) at makikita na ninyo ang bonggang rest house ng sexy TV host.

Take note also na meron silang place sa Brazil na pag-aari ng kanyang lolo at lola na tinatawag na Menezes. Ito ay ang kanilang family town, gaya ng “Araneta” dito sa atin. Ang lokasyon nito ay sa Cataguases, Mina Gerais-Brasil with an “S.” Ang tawag dito ay Bairro Menezes! 

So, kuryente ang mga nasusulat at naglalabasang tsismis kay Daiana na naghihirap at ginagamit lang ang ‘Pinas upang kumita ng pera.

 “I’m not here for the money to begin with. Kaya nga I paid my taxes, eh. I’m here because I like and I want and not because I need it,” sabi niya.

Katuwiran pa niya, pagkatapos ng pitong bansa na pinuntahan niya, ‘Pinas ang pinili niyang magtagal.                                                            

BRAZIL DAIANA FAMILY CODE KANYANG KRIS AQUINO LUIS NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with