PIK: Isa si Cesar Montano sa mga natutuwa sa pag-shooting dito ng Bourne Legacy dahil malaking tulong ito sa ating bansa at pati sa ating movie industry.
“Unang-una sa first shooting day pa lang dito, may pumasok ng pera sa atin. Siguro nasa two hundred million pesos na ’yan dito sa atin. And, of course it’s a plus factor sa ating country kasi makikita nila sa Hollywood na nagsyu-shooting dito sa atin, and it’s a safe country pala.
“Makikita ’yan ng ibang Hollywood producers, masusundan pa ’yan. Makikita nila, it’s more fun to shoot in the Philippines,” pahayag nito.
Bilang Pinoy ay proud si Cesar at proud din siya sa katatapos niyang pelikulang Hitman na mala-international din ang quality.
Sa Feb. 22 na ang showing nitong Hitman kasama niya sina Phillip Salvador, Mark Herras, at Sam Pinto.
PAK: Wala pang masasabi si Claudine Barretto kung magre-renew ba siya ng kontrata sa GMA 7.
Magbabakasyon muna sila ni Raymart Santiago sa Europe at pagdedesisyunan na lang pagbalik nila rito.
Hindi pa niya masabi kung sa TV5 ba siya, pero sinasabi niya sa amin na malabong bumalik siya sa ABS-CBN.
BOOM: Mahigit apat na buwang buntis na pala si Sunshine Dizon kaya naudlot na naman ang pagbabalik nito sa showbiz.
Pagka-expire ng kontrata nito sa GMA 7, gusto na sana ni Sunshine na bumalik sa pag-arte pero magpapapayat muna siya.
Dapat nga ay magpapa-lipo pa siya kay Dr. Manny Calayan pero hindi na natuloy dahil nalaman niyang nagdadalang-tao na pala siya.
Natuwa naman siya dahil okay lang na masundan na nila si Isabel Doreen kaya nasa Pampanga na naman ito at nagpapahinga dahil medyo mahirap ngayon ang pagbubuntis niya.