Nanay ni Shalani nagalit pagkatapos ng kasal!

SEEN: Pinanood ng magkapatid na KC Concepcion at Chloe Syquia-Skarne ang concert ni Katy Perry noong Linggo sa SM Mall of Asia Concert Grounds. Nagsuot ng blue wigs ang half-sisters bilang tribute sa blue hair ni Katy.

SCENE: Kinaiinggitan ang aspiring actor na si Ivan Dorschner dahil hinalikan siya sa labi ni Katy Perry sa concert nito.

SEEN: Ang pasasalamat ni Congressman Roman Romulo sa Diyos dahil sa pabor na ibinigay sa kanya, after 44 years, nakilala niya si Shalani Soledad at maligayang-maligaya siya.

“It took 44 years to find you. I love you very much,” sabi ng pulitiko.

SCENE: Maluwag ang security sa church wedding nina Shalani Soledad at Congressman Roman Romulo dahil nakipanood din sa nagaganap na seremonyas ang mga pulis na nakabantay.

SEEN: Nagalit ang nanay ni Shalani Soledad habang ginaganap ang wedding pictorial sa St. Benedict Church dahil kinunan muna ng litrato ang secondary sponsors, bago ang mga magulang ng bride at groom.

SCENE: Ang mga EDSA billboards nina Raymond Gutierrez at Francine Prieto noong “malulusog” pa ang kanilang mga katawan at nang pumayat sila.

Si Francine ang female counterpart ni Raymond.

Show comments