Ex-wife ni Gabby dadalaw sa 'Pinas

SEEN: Minor ang adopted child nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan.

Hindi tama na intrigahin ang bata na anak siya ni Sen. Kiko sa ibang babae.

SCENE: May maling report si Pat Fernandez ng Sapul sa 5 na kahapon ang birthday ni Ritz Azul dahil noong Jan.11 ang 18th birthday ni Ritz.

SEEN: May maling voice-over naman si Chino Trinidad sa report niya sa 24 Oras nung Miyerkules tungkol sa laban nina Floyd Mayweather, Jr. at Rep. Manny Pacquiao sa May 5 kasi “Manny Mayweather” ang pangalan na sinabi ni Chino, hindi Floyd Mayweather, Jr.

SCENE: Matutuloy ang boxing match nina Pacquiao at Mayweather, Jr. kung magkakasundo sila sa 50-50 na hatian sa kikitain ng kanilang laban. Pera-pera lamang ang lahat.

Ang dalawa ang yayaman, hindi ang boxing fans na sabik na matuloy ang kanilang laban.

SEEN: Maingat sa pagsagot si P-Noy kapag tinatanong siya ng Malacañang Press Corps tungkol sa pagpapakasal ng kanyang ex-girlfriend na si Shalani Soledad kay Congressman Roman Romulo.

SCENE: Darating sa bansa upang magbakasyon ang ex-wife ni Gabby Concepcion na si Jenny Syquia. Matagal nang hindi nakikita ni Gabby ang anak niya kay Jenny.

SEEN: Nakita ang mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola sa Trinoma noong Martes.

Pinanood nina Julius at Tintin ang Sherlock Homes 2.

SCENE: Ang balita na ipinagbibili na ni Hayden Kho, Jr. ang kanyang perfume business, ang Hayden Perfumes.

Show comments