Akting ni Owie Boy puring-puri!

MANILA, Philippines - Nasa cast ng Enteng ng Ina Mo ang child actor na si Owie Boy Gapuz. Mukhang mahihirapan na talaga na mapigilan ang patuloy na pagsikat ni Owie Boy dahil maganda ang role niya sa filmfest movie ng Star Cinema at M-Zet Productions. All praises sa kanya ang main cast ng pelikula at lalung-lalo na si direk Tony Reyes. Maging ang mga taga-Star Cinema ay napansin rin ang mala­king improvement sa acting ni Owie Boy sa pelikulang ito. Happy naman si Owie Boy na binigyan siya ng magandanfg exposure ni direk Tony Reyes, kung saan lumabas siya bilang isa sa apo ni Aiai Delas Alas. (NG)

Show comments