Kaso laban kay CGMA hihimayin ni Boy Abunda

MANILA, Philippines - Sa gitna ng isyu ng Oplan: Put the Little Girl to Sleep at ng pagpabor ng Korte Suprema sa kontra mosyon ng kampo ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng pagdalo ng mga doktor nito sa oral argument ng SC, itatampok ngayong Sabado (Disyembre 3), 11:30 ng gabi sa The Bottomline with Boy Abunda si Solicitor General Joel Cadiz upang bigyang linaw ang mga nasabing usapin at iba pang maiinit na kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang opisina, ng Department of Justice, at ng pamahalaang Aquino.

Kasama si King of Talk Boy Abunda, alamin ang kasalukuyang estado ng kasong electoral sabotage na isinampa laban sa dating Pangulo at ang masasabi ng administrasyon sa intrigang bahagi lamang ang panggigipit kay CGMA ng paghihiganti ng pamahalaang Aquino dahil sa nakaraang naging desisyon ng SC kaugnay ng distribusyon ng stocks ng Hacienda Luisita.

Bakit nga ba ngayon lamang nagsampa ng kaso laban kay CGMA matapos ang isang taon mula nang expose? Patas ba ang ‘house arrest’ para sa dating Pangulo o dapat nitong sapitin ang pinagdaraanan ng mga ordinaryong akusado? Kaya ba talagang patunayan sa korte na nandaya si CGMA nung 2007 elections? 

Show comments