Charo, Dolphy, Lea pinarangalan ng QC gov't

MANILA, Philippines - Pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang ABS-CBN president at COO na si Charo Santos-Concio sa ginanap na Gawad Parangal bilang pagkilala sa kanyang mga kontribusyon sa pagtataguyod sa Quezon City bilang isang de-kalidad na komunidad. Ang Gawad Parangal ay ang pina­ka­mataas na parangal na ibinibigay ng Quezon City para sa mga mahu­husay na constituents nito. Maliban kay Santos-Concio, ang ibang mga awardees ay sina Father Joaquin Bernas, S.J., Ramon Rodriguez, Jose Vergara, Dol­phy Quizon, Cheche Lazaro, Fernando Sena, Lea Salonga, Dr. Rustica Carpio, at Atty. Felipe Gozon. Sina QC Mayor Herbert Bautista at QC Vice Mayor Joy Belmonte ang personal na nag-abot ng medalya sa mga awardees sa isang re­cognition ceremony na ginanap noong October 12 sa Crowne Plaza Ballroom. 

Show comments