^

PSN Showbiz

Raymond Bagatsing, hindi pa divorced sa dating misis na journalist!

-

MANILA, Philippines - Hindi pa pala divorced si Raymond Bagatsing sa wife niyang US-based journalist na si Ms. Cora Pastrana.

Nasa bansa si Ms. Cora sa kasalukuyan. Nag-attend siya ng Diaspora to Development : Global Summit of Filipinos in the Diaspora na ginanap sa bansa kamakailan.

Kaya nang matunugan ng media na nasa ‘Pinas siya, agad siyang hinanap para ipasagot for the first time kung ano ba talagang nangyari sa kanila ng actor na binalikan ang career kamakailan lang matapos silang ikasal sa Amerika two years ago.

Disappointed si Ms. Cora sa nangyari sa ending ng love story nila ng aktor. Hindi niya ini-expect dahil matagal na naging attached sa kanya si Raymond at dumating sa point na super in love sila lalo na si Raymond na before their marriage ay three years silang naging friends, more than friends.

At nang tanungin siya kung may plano ba siyang mag-file ng annulment, hindi pa raw sa ngayon dahil may kailangan pa silang i-settle.

May communication naman sila ni Raymond according to Ms. Cora sa isang instant tsikahan kahapon, pero hindi pa sila nag-uusap since dumating siya ng bansa.

Naka-schedule siyang bumalik ng Amerika sa Monday.

Sinagot din ni Ms. Cora ang issue na ‘ginamit’ lang siya ng aktor para maka­kuha ng green card (as an alien of extraordinary ability).

Sabi naman niya, hindi ‘yun totoo dahil nagsama sila bilang mag-asawa. Ang totoo lang ay tinulungan niya itong mag-prepare ng mga documents pero si Raymond ang nag-asikaso ng lahat para maayos ang pagiging green card holder niya.

Bakla ba si Raymond?

Malutong na hindi ang sagot ni Ms. Cora.

Very open na si Raymond at and Mexican-American girlfriend niya na si Vanessa Ilka-Cortes na sinundan ang aktor sa bansa.

Precious Lara Quigaman hindi sumunod sa pamahiin!

Ngayong October 26, Ilang araw bago mag-Undas ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang isang pre-Halloween special na indie film, ang Babangluksa ng Creativeminds Productions. First project nila ito.

Bida si Precious Lara Quigaman, ang pelikula ay isang kakaibang horror film na sa trailer pa lang ay nakakatakot na.

Bihirang gumawa ng pelikula si Precious Lara, pero na-challenge itong tanggapin ang role bilang isang doktorang may kakayahang makakita ng kaluluwa ng mga namatay na tao.

Kasama sa cast ng Babangluksa sina Luis Alandy (bilang boyfriend ni Precious), Angelika dela Cruz (bilang isang psyche), Roselle Nava (bilang doktora), Ces Quesada, Helga Krafp, Joshua Ocampo, Joy Viado, at Aria Mendez.

Ayon sa executive producer ng pelikula na si Joseph Paolo Henry: “Dahil sa mabilis na pag-usad ng panahon, unti-unti nating nakakalimutan ang mga kulturang ating nakagisnan. Layunin ng pelikulang ito na muling ipaalala sa atin na ang kulturang Pilipino ay buhay at mananatili sa atin.”

Ang Babangluksa ay mula sa panulat at direksiyon ng first time full length indie filmmaker na si Yuan Santiago, na noon pa ay interesado nang gumawa ng horror films.

Regular showing nito sa October 26 (Miyerkules) sa Ilang SM Supermall cinemas tulad ng SM Megamall, North Edsa, Southmall, Manila, Bacoor, Sta. Mesa, Fairview, Isetann Cinerama, Starmall Alabang, Gotesco Grand Central, at ibang sinehan sa buong bansa.

vuukle comment

AMERIKA

ANG BABANGLUKSA

ARIA MENDEZ

BABANGLUKSA

CES QUESADA

CREATIVEMINDS PRODUCTIONS

MS. CORA

PRECIOUS LARA QUIGAMAN

RAYMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with