Jolo Revilla na-confine dahil sa matinding migraine

PIK : Si Ian de Leon ang escort ni Nora Aunor nang dumalo ito sa 3rd Star Awards For Music na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo nung nakaraang Linggo.

Naunang dumating si John Rendez at matagal bago nakarating si Nora kasama ang kanyang anak.

Si Nora ang pinarangalan ng Lifetime Achievement Award.

Congratulations sa mga winners lalo na sa Philippine Movie Press Club (PMPC) na siyang bumuo ng Star Awards For Music.

PAK : Si Sen. Bong Revilla, Jr. na mismo ang sumagot na talagang severe migraine ang pinagdadaanan nga­yon ni Jolo Revilla kaya ilang araw itong na-confine sa St. Luke’s Hospital.

May mga nagkakalat ng malisyosong intrigang na-overdose sa illegal drugs si Jolo kaya isinugod ito sa Makati Medical Center.

Ilang linggo nang inaatake si Jolo ng matinding migraine kaya dinala na ito ng ospital.

Kaya lang mali ang unang findings ng hospital na pinagdalhan, kaya dinala nina Sen. Bong at Cong. Lani Mercado si Jolo sa St. Luke’s Global at doon nalamang inatake ito ng severe migraine kaya isang linggo siyang pinagpahinga ng doktor at dumaan din siya sa ilang tests.

BOOM : Nakarating sa aming galit na galit si Jinkee Pacquiao sa lumabas na mga litratong binyag ng diumano’y anak ni Manny Pacquiao sa ibang babae.

 Ipinakilalang si Kat Ordoñez na isang culinary arts student sa Maynila ang babaeng ito na nagsalita na rin sa Showbiz Central nung Linggo para linawin ang malisyosong balita.

Sinabi nitong si Kat na kinuha niyang ninong si Manny dahil dating assistant ng Pambansang Kamao ang ama ng kanyang anak.

Kasalukuyang nagti-training si Manny sa Amerika at may ilang pumapapel na nagpadala pa raw ng kopya ng mga litrato para makita ito ni Manny.

Totoo kayang ayaw na lang ni Jinkee na pumuntang Amerika para hindi na lumaki pa ang gulo?

Himutok ng mga taong malapit kay Pacman, bakit naman tuwing may laban ang world boxing champ ay kung anu-anong paninira ang inilalabas para magulo lang ito?

                                            

Show comments