Piolo nagtaksil kay KC?

Pagtataksil nga ba on Piolo Pascual’s side ang sanhi ng hiwalayan nila ni KC Concepcion? Sayang naman kung totoo. Ano kaya ang reaksiyon dito ni Sharon Cuneta na una nang nagbigay ng kanyang basbas sa relasyon ng dalawa?

Nora hindi gumagaling dahil sa sama ng loob

Magkahalong sakit ng katawan at ng kalooban ang sanhi ng karamdaman ni Nora Aunor. Hindi pa kasi ito nakakasipot sa taping ng Sa Ngalan ng Ina

Baka naman kako sakit na ng kalooban ang iniinda kaya matagal gumaling. Paano naman kasi ayaw siyang patahimikin ng mga gulo at intriga? Mas mahirap kasi magpagaling ng sakit ng kalooban. Kaya sana pagpasensyahan n’yo na siya! Give her a chance to prove herself. Please!!!

Pinoy fashion designers ratsada sa abroad!

Unti-unti nang dumarami at nababalitaan na ang pagtatagumpay ng maraming Pinoy sa abroad. Very proud tayo sa pangyayaring disenyo ng isang Pinoy ang itinampok kamakailan sa America’s Next Top Model. Siya si Oliver Tolentino, isang taga-Bataan na pumunta ng US para subukan ang kanyang kapalaran.

Ikalawa na siyang itinampok sa America’s Next Top Model. Ang una ay si Michael Cinco. Bago ang America’s Next Top Model ay nakapagbihis na siya ng mga artista ng One Tree Hill (Sophia Bush), Glee (Amber Riley, Jenna Ushkowitz), at I Want You music video (Cee Le Green).

Mukhang panahon ngayon ng mga Pinoy fashion designers dahil bukod kina Tolentino, Cinco, umaarangkada rin ang Fil-Brit na si Joseph Rovero.

Show comments