Sinner or Saint madrama ang ending

MANILA, Philippines - Tiyak na puno ng drama ang pagtatapos ng Sinner or Saint na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Bianca King, Alessandra de Rossi at Polo Ravales ngayong Biyernes, October 7.

Matapos barilin ni Raul (Dennis Trillo), kasalu­kuyan pa ring nasa ilalim ng comma si Corrine (Alessandra de Rossi) habang nahaharap naman ang una sa kasong homicide.

Kaya naman papakiusapan ni Raul si Noemi (Bianca King) upang magsinungaling sa korte, at sabihing pinoprotektahan lamang siya ni Raul mula kay Corrine.

Sa kaniyang pag-upo sa witness stand, aminin kaya ni Noemi ang buong katotohanan, o muli ba siyang magsisinungaling para sa kapakanan ni Raul?

Tuluyan na nga bang lalambot ang puso ni Noe­mi kay Raul, o tatanggapin na ba niya nang buo ang pagmamahal ni Alvin (Polo Ravales)? Posible pa kayang makapagbago si Corrine?

Tutukan ang madramang pagtatapos ng Sinner or Saint ngayong Biyernes pagkatapos ng Pahiram ng Isang Ina sa GMA Dramarama sa Hapon.

Show comments