Lovi misteryosa!

MANILA, Philippines - Walang duda na si Lovi Poe ang pinaka-in demand at hottest young actress ngayon. Itinuturing din siya ng Regal Entertainment, Inc. na hottest property dahil sa sunud-sunod na movies na naging assignment niya gaya ng My Valentine Girls, Temptation Island, My Neighbor's Wife at ang bago niyang project na Aswang.

Eh, bukod sa pagiging isa sa lead actresses ng nakaraan niyang pelikula, nakatanggap din ng best actress award si Lovi mula sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society para sa kabilib-bilib na portrayal niya sa indie film na Mayohan. Idagdag pa riyan ang pagiging in demand niya sa mga covers ng glossy magazines at pagkakahirang sa kanya bilang September cover girl ng FHM magazine!

Sa lahat ng mga achievements at papuring dumarating kay Lovi, nananatili pa rin siyang humble, professional at pinagbubuti ang husay sa craft.

Ang kahanga-hanga pa sa young actress, wala siyang reklamong ipasilip ang kanyang alindog, sa picture man o sa pelikula. Sa totoo lang, nakakabilib ang pagbubuyangyang niya ng kanyang katawan. Patunay ang kanyang nagseseksihang billboards pati na ang mapangahas niyang roles sa nakaraang pelikula gaya ng pinag-uusapang My Neighbor's Wife!

Pero napanatili pa rin ni Lovi ang kanyang kainosentehan at walang bahid dungis na imahe bilang artista.

Kaya naman ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde, ipinagkatiwala kay Lovi ang challenging role sa horror flick na Aswang na inspired sa Peque Gallaga movie na unang pinagbidahan ni Alma Moreno.

Sa totoo lang, ang lakas nga ng dating ni Lovi sa Aswang bilang misteryosang babaeng nagmula sa kampo ng kadiliman. Sa movie nga lang masasagot kung isa ba siyang mabait o masamang aswang. Ilalantad sa Jerrold Tarolc vehicle ang misteryong bumababalot sa katauhan ni Lovi.

Kasama ni Lovi sa pelikula na maghahatid din ng kakaibang excitement sina Paulo Avelino, Jillian Ward, Albie Casiño, Marc Abaya, Niña Jose, Joem Bascon, Precious Lara Quigaman, Bembol Roco at marami pang iba.

Show comments