Walang dudang si Lovi Poe ang busiest star ngayon dahil sunud-sunod ang pelikula. Pagkatapos ng My Neighbor’s Wife, ang Aswang ng Regal Films naman ang ipo-promote dahil sa October na ang showing nito.
Tinatapos din ni Lovi ang Aswang Chronicles nila ni Dingdong Dantes at kasama rin siya sa Yesterday, Today, & Tomorrow. Akala ng manager nitong si Leo Dominguez, sa movies muna magpu-focus ang aktres at okey lang sa kanila kung wala munang soap ang dalaga.
Pero ang latest, kasama si Lovi sa cast ng bagong soap ng network na may working title na Legacy. Makaka-love triangle nito sina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann at kasama rin daw sa cast sina Sid Lucero, Bela Padilla, at TJ Trinidad.
Jay-R pasok agad sa concert ni Zia
Tsika ni Gian Carlo Vizcarra ng Stages, kaya ipina-presscon na nila sina JayR at Krista Kleiner, para hindi magulat ang manonood ng concert ni Zia Quizon dahil guest si Jay-R. Ngayong alam na Stages talent na rin si Jay-R, walang magugulat kung bakit siya ang kinuhang guest ni Zia na talent din ng Stages.
Billed Simple Girl ang concert ni Zia sa Teatrino sa September 22. Nauna nang nag-launch ng album si Zia sa ASAP last Sunday na nag-trending sa Twitter.
Sumabay ding nag-trending sa Twitter si Sam Concepcion na nag-release ng single niyang Forever Young. Malaki pala ang posibilidad na mag-collaborate ng song sina Jay-R at Sam ngayong magkasama na sila sa Stages.
Castaway kasali sa bagong season ng SP
Isa pa ring galing sa Starstruck ang napiling castaway sa Season 4 ng Survivor Philippines at ang maibibigay lang naming clue ay babae siya. Sana lang, hindi siya gumaya kay Princess Snell na maagang na-eliminate dahil hindi kinaya ang buhay sa isla.
Isang male TV host na umaakting din ang kapareha ng tinutukoy naming castaway na galing sa Starstruck. Feeling namin, kakayanin ng binata ang sabi ni Richard Gutierrez, mas mahihirap na challenges at kakaibang twist na ipagagawa sa castaway.
Cesar hindi pa bilib kay Diego
Napunta kay Mark Herras ang role na dapat sana’y kay Diego Loyzaga sa Hitman at hindi nagtampo at sumama ang loob ng bagets dahil alam niyang hindi pa niya kakayanin ang role na ginagampanan ni Mark.
Bilib nga kami kay Cesar dahil very objective at nang makitang hindi kaya ni Diego ang role ni Alvin, agad ibinigay kay Mark. Pero may moment din si Diego sa movie, may fight scene siya at hahawak din ng baril. Nagsuot din ito ng hikaw para mas bumagay sa kanyang Andy karakter.
Inamin ni Diego na napi-pressure siya working with his dad, iba raw ang feeling kung ang ama niya ang director. Wala rin siyang extra treatment sa shooting, except na siya lang ang tumatawag ng “dad” kay direk Cesar.